Kapatid ni Lerms Lulu, isiniwalat ang mga CCTV screenshots ng isang babae sa pinangyarihan ng krimen - The Daily Sentry


Kapatid ni Lerms Lulu, isiniwalat ang mga CCTV screenshots ng isang babae sa pinangyarihan ng krimen






Kamakailan ay nagbahagi si Leslie Lulu Manabat, ang kapatid ni Lerma Lulu, ng isang post na naglalaman ng mga screenshot na nagpapakita ng isang babae na nakaitim na damit malapit sa lugar kung saan inambus at pinatay sina Lerma at ang kanyang asawang si Arvin.


Sa isang bahagi ng screenshot mula sa CCTV na lumilitaw na pinalaki, makikita ang babae na bumaba mula sa isang traysikel ilang metro mula sa mga gunman, na nagpa-park ng kanilang sinasakyang motorsiklo.


Sa susunod na screenshot, mukhang tinitingnan ng babae ang isang bagay na hawak niya, marahil ay isang cellphone. Nagbigay din si Leslie ng ilang caption sa larawan, kasama ang emoji ng kamay na nagtuturo sa nasabing babae, na tila sinasabi niyang dapat itong mapansin ng lahat.


“Tryk na kasakay itong babae kasabay nung dalawang gunman,” isinulat ni Leslie bilang caption sa screenshot. “Humawak ng cp ung babae after nun na go na ung dalawa,” sabi ng kapatid ni Lerma.


Narito ang mga screenshots: