Julie San Jose, binatikos matapos magperform ng 'Dancing Queen' sa loob ng simbahan - The Daily Sentry


Julie San Jose, binatikos matapos magperform ng 'Dancing Queen' sa loob ng simbahan






Usap-usapan ngayon sa social media ang viral performance ni Julie Anne San Jose habang kumakanta ito ng “Dancing Queen” sa harap ng altar ng isang simbahan sa Occidental Mindoro.


Ang nasabing performance ay bahagi ng isang concert for a cause na tinawag na Heavenly Harmony in Concert' (Harana para kay Maria) ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.


Kabilang sa mga kinanta ni Julie Anne San Jose ay “The Climb” ni Miley Cyrus, “Edge of Glory” ni Lady Gaga at marami pang iba kabilang na ang ilang OPM songs.


Maraming mga natuwa lalo’t isa itong benefit concert pero marami rin naman ang nagtaas ng kilay lalo’t tila hindi yata angkop ang mga awiting kinanta ni San Jose para awitin sa loob ng simbahan na tila ba naging isang concert venue.


Nakalagay sa ticket ng nasabing concert na ang kikitaain ay mapapunta para sa improvement ng simbahan.


Narito ang full video: