Isang lalaki, tinanggal daw sa trabaho dahil sa pagpapakain ng aspin - The Daily Sentry


Isang lalaki, tinanggal daw sa trabaho dahil sa pagpapakain ng aspin



photo-output

 


Viral ngayon sa social media ang post ng isang lalaki matapos matanggal daw sa trabaho dahil sa pagpapakain ng aspin o asong kalye.


Sa kanyang post ay ibinahagi ni Ian Vhal Sardia ang kanyang sama ng loob dahil sa desisyon umanon ng kanilang kumpanya na tanggalin sya sa trabaho sa kadahilanang iyon.


Narito ang kanyang buong post:


Thank you sa Store na pinasukan ko tuloy pa din po ang Goal ko para sa mga Stray Dogs and Cats. 


Maraming salamat sa limang taon na aking pagtatrabaho bilang isang Food Server. 


Ngunit sa isang video na inupload ko last time ito rin ang dahilan upang ireport ako ng aking supervisor sa aking opisana na nag dulot ng aking pagka tanggal.


Hindi ko po kase napigilan na sila ay bigyan ng pagkain kaya’t madalas ang ginagawa ko ang pagpapakain sa kanila off duty or breaktime ko. 


Masakit man sa akin na mawala  ako sa aking trabaho bilang may malasakit lang sa mga aso at pusa pero ipagpapatuloy ko pa din ang aking nais na sila ay tulungan sa simpleng paraan pakainin, arugain, at pasayahin kawawang mga aso yun nga lang pag balik niyo sa store namin ako’y wala narin.


Wala narin magmamalasakit at magmamahal sa inyo, pero sigurado pag nakita ko kayo mga mahal kung aso at pusa ang pagmamahal ko sa inyo ay hindi mawawala at hindi magbabago.


Salamat sa Store ito ang lugar kung saan ibat ibang aso at pusa ang aking nakilala at nakasama. 


Now signing off Ian vhal A. Sardia at Food Server pero tuloy pa din po ang pagiging Dog and Cat Lovers.





IMG-0944