Coach Gerald Fajardo sinagot si Chloe: Sinira mo ang pamilya nila - The Daily Sentry


Coach Gerald Fajardo sinagot si Chloe: Sinira mo ang pamilya nila




 

Matapang na sinagot bi Coach Gerald Fajardo lahat ng patutsada ni Chloe San Jose laban kay Mrs. Angelica Yulo.


“After mo isiksik ang sarili mo sa pamilya nila, biglang itutulak mo sila palabas? Buo ang pamilya niyan. Sinira mo,” sabi niya.


“Nasubukan mo bang magpasalamat man lang kasi nakilala mo 'yung anak? Nagkaroon ka ng Caloy at sila ang nawalan... Goal mo pa rin talagang punuin ng galit ang puso ni Caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba Well... Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban!,” dagdag ni Coach Gerald.


Narito ang buong post ni Coach gerald Fajardo: 


Sa usaping interview, 

Una ni Angelica - napahiya sya diba? 


Bakit kaya? Diba dahil kay CHLOE...


Pangalawa si CALOY - napahiya din sya diba? Diba dahil kay CHLOE...


MAGINA nga kayo, kase parehas kayong mahihina, parehas na nabahidan ang pagkatao nyo dahil kay CHLOE.


Dumako naman tayo sa yaman na meron ka? Wala kaming pakealam sa sasabihin ng iba... Focus lang tayo sa kung ano yung mga nagawa mo, since mayaman ka.


Bakit ka nagbenta ng MACBOOK, na worth 50k, kay caloy. Tapos ikaw lang din pala ang gagamit, kase hindi naman alam gamitin. bakit ka pala nagapply kay maam cynthia? - well in fact di ka naman nakapasa. Sumahin mo yung mga subscriber's na nadagdag sayo after mong makilala si CALOY ...  


Mahusay ka. na achieve mo yung ninanais mo, siksik,liglig at umaapaw. 


Wala kang karapatang ipamukha yung milyon na meron ang pamilya mo, at ipagmalaki yang propesyon nila. Dahil talong talo Talaga ang nanay at tatay ni caloy. Hindi sila nakapagtapos, wala silang milyon, walang trabaho na malaking sweldo ang nanay at tatay. Kaya wag mong i down ang pamilya nya.


After mong isiksik yung sarili mo sa PAMILYA nya, biglang itutulak mo sila palabas? BUO ang pamilya nyan. Sinira mo...


Yang sinasabi mong ikaw ang kasama sa journey ni caloy sa OLYMPICS , OO... Ikaw nga, ikaw nga talaga. Kase hinusayan mong alisin ang bawat tao sa paligid nya..sinigurado mong mawawala sila.


Diba, after kausapin si caloy... Para sa paghahanda sa Olympics .


Sinabi mong hindi ka priority ni CALOY ...

Hindi kapaba priority eh magka live in na nga kayo.

Tapos yung oras na uuwi na si CALOY, papunta sa PAMILYA nya. Anong ginawa mo?

Sinabi mo diba MAGPAPAKAMATAY ka? 

Buo ang loob ni caloy na lumaban sa 2024 olympics. Handa ang lahat.  Lalong handa sya, oo naka GOLD kayo -dalawa pa, pero pano kung wala ka?. Malamang maka all 

around payan!!!

At isa pa ha,...


Yung nakilala mo si caloy sabi mo wala kang pamilya, hindi ka in good terms sa mama mo at papa mo. Pero ano?


Diba gumawa ng paraan si caloy para mabuo ang pamilya mo.


Sinabi mo sa isang comment mo na sinabihan ng nanay nya si Caloy ng “gagapang ka sa lupa” pero bakit di mo siniwalat ang dahilan kung bakit nasabi ng ina nya yun? Hindi ba dahil sinigaw sigawan nya ang nanay nya ng magnanakaw at sinungaling kasi sinulsulan mo sya na magnanakaw ang ina nya? Pinakikita ng ina nya yung mga resibo na pinaggamitan ng pera na para din naman sa kanya pero hindi nya man lang nasilip ito kasi naka tatak na sa utak nya na magnanakaw ang ina nya.


At yung sinasabi mong nakapagpatawad na kayo? Bakit? Kasali ka ba sa pamilya? Pera mo ba yun? 


Sinubukan nyong humingi ng sorry sa buong pamilya? Kelan yan? Kasi yung sinasabi mong gc magaganda lang nilabas nyong screenshot? Bakit di mo nilabas yung pambabastos mo sa ina nya? Kahit sinong nanay pa yan, mag li leave talaga yan sa gc.


+ikaw CHLOE.. Nasubukan mo bang magpasalamat man lang, kase nakilala mo yung anak? Nagkaroon ka ng caloy at sila ang nawalan...


Goal, mo parin talagang, punuin nang galit, ang puso ni caloy para masigurado mong ikaw lang at wala nang iba?


Well... Masyado pang maaga. Hindi pa tapos ang laban, tandaan mo. Marami kapang laban na kakaharapin. Hindi laging nasayo ang ilaw, hindi laging nakay caloy ang liwanag, hindi din laging nakaayon sa inyo ang lahat...