Chloe San Jose bumanat kay Mr. Andrew Yulo: 'Bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa' - The Daily Sentry


Chloe San Jose bumanat kay Mr. Andrew Yulo: 'Bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa'





Mainit na usapin ang nabuo matapos magkomento ang ama ni Carlos Yulo, si Mark Andrew Yulo, sa isang post ng kanyang anak sa social media. Sa kanyang komento, ipinahayag ni Mark Andrew ang kanyang kasiyahan sa mga narating ni Caloy, ngunit binigyang-diin niya na dapat itong mag-sorry sa kanyang ina na sinabihan umano ni Caloy ng "magnanakaw." 


Hindi naman ito pinalampas ni Chloe San Jose, at agad itong nagbigay ng kanyang saloobin sa naturang komento. 


Sinabi ni Chloe, "Pasensya na po kayo tito, alam ko po na hindi po ikaw ang nag-comment nito. Pero kung gusto niyo po talaga ng ganito, bat hindi niyo din po sabihin na sinumpa po siya ni Tita Angge na gagapang si Caloy sa lupa before po siya mag-qualify sa Olympics last year."


Dagdag pa ni Chloe, ibinahagi niya ang ilang pangyayari noong nakaraan na ayon sa kanya ay naging dahilan ng kanilang alitan. Ayon kay Chloe, "Matagal na panahon at ilang beses na po kami nag-sorry ni Caloy at nag-try makipag-usap po sa inyong lahat, pero bakit po ganito?" Gayunpaman, binigyang-diin ni Chloe na nakapagpatawad na sila ni Caloy at patuloy silang nagdarasal para sa kapayapaan at paggabay.