Para sa 49 pesos na kita, Food Delivery Rider nilusong ang baha! Tinaggihan pa ang inaabot na Tip sa kanya. - The Daily Sentry


Para sa 49 pesos na kita, Food Delivery Rider nilusong ang baha! Tinaggihan pa ang inaabot na Tip sa kanya.



Isang kahanga-hangang kwento ng isang food delivery rider ang pumukaw sa atensyon ng maraming netizens dahil sa angking kasipagan at dedikasyon nito sa kanyang napiling hanap-buhay.

Ayon sa kwentong ibinahagi ni customer, ang pangalan ng magiting na rider ay si Michael John Grulla na tumanggi pa raw tanggapin ang inaalok na 50 pesos tip dahil baka mareport daw siya.




Narito ang buong pangyayari isinapubliko ng Facebook page na Sole-Eater-MNL:

"Share ko lang experience namin kanina."

"We ordered around 5:50pm sa foodpanda. Accepted & paid na yung order that time(thru gcash). Then after placing the order, biglang umulan ng malakas. So we expected na either macancel yung order or walang magpick up na rider since sobrang lakas ng ulan & matic may mga baha na part sa dadanan ng rider."

"After 20mins, nagnotify yung foodpanda na picked up na ng rider yung order kaya nagulat kami kasi may nagaccept ng booking kahit maulan? But we expected na delay yung delivery since mahihirapan bumyahe yung rider, nagmomotor ako kaya alam kong mahirap bumyahe kapag maulan. And ang order namin is sa Circuit Makati pa manggaling while kami is dito sa Mandaluyong located. Minomonitor ko yung way ng Rider based sa gps & alam ko na may part na baha sa madadaanan nya, expected ko din na siguro sisilong muna si Kuyang Rider. Pero while monitoring sa gps, MOVING SA GPS SI KUYANG RIDER kahit malakas yung ulan. Though delayed yung order namin, were shocked na umaandar padin si Kuya kahit medyo mabagal."
 
"Based sa App, around 20-30mins ang delivery time but since maulan, nagnotify nadin si foodpanda na may delay sa order. PERO AFTER 30MINS, TUMAWAG SI KUYANG RIDER. NASA MANDALUYONG HIGHSCHOOL NA SYA WHICH IS TAMA YUNG LOCATION NYA BASED SA GPS"

Narito naman ang naging paguusap ni Michael John at ng kanyang customer:

"Convo with kuyang Rider :"

"Rider : Sir sorry madelay lang yung order nyo kasi baha na po dito sa boni(aglipay). Andito ako sa Mandaluyong High School Banda."

"Me : Sige kuya ok lang, patila na lang muna ng ulan since di ka rin makakabyahe dito kasi may baha."

"Rider : pawait na lang ako Sir, LALAKARIN KO NA LANG PAPUNTA DYAN KASI BAKA MALULUBOG SA BAHA YUNG MOTOR."

"Nagulat kami ng wife ko kasi saan nya iiwan yung motor & bakit maglalakad pa sya?
Me: Legit ba kuya maglalakad kayo? Baha yang madadaanan nyo, ok lang naman kahit delay."

"Rider : Yes Sir, naglalakad na po ako dito sa Boni. LAGPAS TUHOD LANG YUNG BAHA. PAHINTAY NA LANG PO."

"Sa isip isip ko, seryoso ba si Kuya? Kasi umuulan padin that time & may kulog/kidlat pa? Pero kasi kita sa app na andun sya sa part na may baha na."

"What I did is, sinalubong ko na si Kuya kasi mahirap yang ginawa nya. Sa part na may baha, nasa 200m yun papunta dito samin & lagpas tuhod yun.
Sobrang solid nito ni Kuya kasi para sa Php 49 na delivery fee? Naisip nya padin yung service sa customer kahit maglakad sa baha? foodpanda, kasama ba to sa training nyo sa mga Rider?"

"Pagkameet ko kay Kuya, sya pa nagsorry sakin kasi delayed daw yung delivery & yung food is late na. Surprised lang kami ng wife ko kasi sobrang bait naman ng Rider? Sabi ko na lang “ kami nga kuya dapat magsorry kasi hindi nacancel yung order namin” pero sabi ni Kuyang Rider “ok lang Sir, naka automatic book kasi yung sakin kaya siguro nabook. Hindi ko nacancel kasi andun na e” “yung motor ko Sir pinasuyo ko na lang dun sa brgy tanod na malapit sa 7/11 banda, dun ko muna iniwan”"

"What surprised us even more is ayaw nya tanggapin yung tip namin(Php50 lang dala ko), even yung isang order ng food binibigay ko na sa kanya is ayaw nya din. Kasi baka daw mareport sya na humihingi ng tip. Pero I insist kasi sa service nya kung tutuusin kulang pa yun e. Sobrang nakakatuwa lang si Kuya kasi habang naguusap kami iniisip nya pa din na food daw namin yun & nakakahiya tumanggap ng tip."

"Pagkauwi, narealize ko na swerte padin pala ako kasi hindi ko need gawin yung ginawa ni Kuya para sa delivery fee & service. Nakakatuwa lang din na may mga ganitong Rider padin talaga na mahal yung trabaho nila & walang hinihingi na kapalit. 
Minsan kasi kapag yung gusto natin sa buhay hindi natutupad, naiisip natin na para saan tayo nagssacrifice? Na parang napagiiwanan na tayo ng mundo not knowing na may mas nahihirapan pa bukod satin. Totoo nga na porke nahihirapan na tayo minsan sa buhay, it doesn’t mean na madali na para sa iba."

"Para kay Kuyang Rider, Michael John Grulla. Sobrang Saludo ako sayo. Hindi ko alam story ng buhay mo or background mo pero for sure, isa ka sa mga mababait na rider na nakita ko. foodpanda, baka naman pwede nyo bigyan ng reward yung mga ganitong rider? Hahahah kasi yung rating kanina sa app is para sa Vendor e, hindi para sa rider"


"Bawi ako sayo Kuys Michael John Grulla promise Maraming salamat."