Veteran Journalist on Liza Soberano's Latest Revelation: "SIKAT KA NGA, PERO IBA ANG YUMAMAN SA KINITA MO." - The Daily Sentry


Veteran Journalist on Liza Soberano's Latest Revelation: "SIKAT KA NGA, PERO IBA ANG YUMAMAN SA KINITA MO."



Photo credit to the owners

Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, nilinaw ni Liza Soberano ang kanyang mga kinita at ang mga rates ng komisyon ng kanyang mga dating manager matapos siyang tanungin ng King of Talk tungkol sa usaping pera sa pagitan ng mga ito.

Ayon kay Liza, nagkaroon siya dati ng tatlong managers, si Ogie Diaz, ang first cousin ng kanyang dad na si Joni Lyn Castillo-Pillarina, at Star Magic, bago ang kanyang rebranding kamakailan.



Photo credit to GMA

Ani Liza, "I really don't like talking about commissions because it's a private financial matter. But people were accusing Tito Ogie of taking 40% from me. I want to clarify na hindi po yon totoo,"

Sabi ng aktres, hanggang 2015-2016, nakakuha si Ogie ng 30% na komisyon, ang kanyang Tita Joni ay 20% at ang Star Magic sa 10%, at naiwan sa kanya ang 40% lamang ng kanyang kinita.

Photo credit to Manila Bulletin

Pero nagbabayad din diumano siya ng U.S. taxes alongside sa kanyang Philippine taxes dahil isa siyang U.S. and Filipino citizen kaya naman ang total take-home niya lamang ay 30%.

Ngunit paliwanag ni Liza, kalaunan ay ibinaba rin ng kanyang Tita Joni at ni Diaz ang kanilang commission sa 15% and 20% dahil narealized ng mga ito na deserve niya ng mas malaking kita.

Nang tanungin ni Boy si Liza kung totoo bang hindi na kumukuha ng komisyon si Ogie sa kanya nitong nakaraang dalawang taon, ay mariin itong pinabulaanan ng aktres.

"It's not right," ani Liza. 

"That's incorrect. It actually hurts me that he's making up those lies about me. I feel like he's trying to make it seem like I wasn't profitable in the past two years we were working together when he knows the truth," paglilinaw niya.

"He knows my pains, he knows the things that I felt, the things were mishandled so it's kind of unfair, I feel like he's trying to tarnish my name."

Photo credit to Facebook

"And he knows. I don't want to bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine that fell under the time I was under contract with him even though he has no more obligations. We told him he had no more obligations towards me with those endorsements."

"Literally last month, we gave him a paycheck for an endorsement that was renewed before our contract ended. And kahit wala na siyang ginagawa for that, we gave him his commission because that's what's right," maramdaming pahayag ng aktres.

Nang tanungin kung ayun na ba ang huling komisyon ng dating manager ang sagot niya ay, "He's going to get another one this week."



Photo credit to GMA

Marami ang nagulat sa rebelasyon na ito ni Liza at ang iba nga ay nadismaya sa dating manager at handlers nito.

Isa na rito ang beteranong mamamahayag ni si Jay Sonza na nagpakita ng kanyang saloobin sa isang Facebook post at matapang na nagpahayag ng kanyang opinyon sa usaping ito.

Narito ang kanyang post:

Photo credit to Facebook


"SIKAT KA NGA, PERO IBA ANG YUMAMAN SA KINITA MO.
Ang nagdudumilat na katotohanan.

Base on her recent revelations, and on account of the tax regime applied on taxable income, it would appear that her ACTUAL net income is roughly in the minimum of 28% and maximum of 32% ONLY.
 
Tapos, dito pa kinukuha iyong up keep tulad ng wardrobe, jewelries, hygiene, mobility, iyong lambing o harbat ng mga movie reporters/announcers, bayad sa alalay, make up artist, etc.
 
Mula sa gross amount of Contract/Engagement/Shoot or Taping Fees, kukunin ang mga komisyon ng talent manager (30%), guardian/talent scout/road manager (20%) and star magic/abs-cbn talent center (10%), plus other taxes (VAT, Income) and other mandatory & legal deductibles.

EXPLOITATION BA ANG TAWAG DOON?
Abuso siguro ang akmang pagsasalarawan!"