Sa kanyang panayam kay Julius Babao, ibinahagi ni Eric "Eruption" Tai ang kwento at ang dahilan kung bakit siya nasibak sa noon time show ng ABS-CBN na It's Showtime.
Ilan sa mga nagbibigatang pangalan sa showbiz ang kasama nito sa programa gaya nila Anne Curtis, Vhong Navarro at Vice Ganda kaya aminado si Eruption na walang kasiguraduhan ang kagaya niyang baguhan sa industriya.
Laki sa hirap ang 40 anyos na Fil-Tongan na si Eric Tai at kung anu-anong trabaho ang pinasukan bago pa makilala sa showbiz.
Dalawang taon itong naging Missionary o Mormons at dahil dito ay lubos niyang natutunan ang pananagalog.
Halos lahat ng trabaho kayang pasukin ay hindi nito pinapalagpas. Iba't ibang labor works gaya ng factory worker, security guard, bouncer at body guard ng 7 taon. Naging bahagi rin siya ng Philippine Rugby team na Philippine Volcanoes.
Eric Eruption Tai | Facebook
Eric Eruption Tai | Facebook
Nakitira sa mga kaibigan upang mabuhay dito sa Pilipinas. Naranasang maputulang ng kuryente kaya nakikitulog ito sa computer shop para makabawi ng lakas.
Pero hindi ininda ni Eric ang mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan at nanatiling positibo pa rin sa buhay at tuloy pa rin sa pagpupursigi sa para sa kanyang kinabukasan.
Hindi nagtagal ay na-discover ito ni Direk Bobet para maging mainstay sa Showtime at dito siya unang binansagang ng direktor bilang si "Eruption".
Eric Eruption Tai | Showtime
Eric Eruption Tai | Showtime
Matapos ang kanyang halos 5 taon na pananatili sa programa ay tinaggal sa Showtime si Eruption.
"Pasensiya na Eric nagkaroon kami ng reformat at hindi na kailangan ang services mo dito." kwento nito.
Naibahagi rin ni Eric na minsan na rin itong sinabihan noon ng kanyang showbiz ex-girlfriend pa mismo na wala itong kinabukasan sa industriya at hindi ito sisikat kaya mas mabuti kung umalis na lang siya ng bansa
Imbis na panghinaan ng loob ay lubos pang nagpasalamat si Eruption sa programa dahil sa laki ng tulong nito upang siya'y magkaroon ng pangalan. Nagpasalamat din ito sa kanyang mga co-host at tinanggap ng maluwag sa dibdib ang desisyon ng management nito.
"Father, whatever you want me to do I'll do. Kung anong gusto mo talaga, gagawin ko. Help me find myself." dasal nito habang nasa elevator palabas ng building ng ABS.
Eric Eruption Tai | Facebook
Nag-alala ito sa para sa pamilya at hindi malaman kung papaano sasabihin ang malungkot na balita. Pero matapos ang mabigat na sitwasyon ay tila naging blessing in disguise pa ang pagkakasibak nito sa programa dahil sunod-sunod at kaliwa't kanan ang naging offers sa kanya matapos mabakante ang kontrata.
Sa tulong ng dasal at pagsusumikap, nakabalik sa mga teleserye at naging kalahok pa sa international show na "Amazing Race Asia".
Hanggang sa pinasok nito ang social media gaming industry at naging pioneer top streamers sa Pilipinas kung saan nabigyan ito ng kontrata ni Facebook na sobrang laki ang sweldo kumpara sa showbiz.
Ngayon naman ay lalo pang umiinit ang kasikatan ng tinaguriang "The Rock" ng Pilipinas dahil sa "Ting Ting Dance". Mayroon pa itong ginagawang US TV series na "Almost Paradise".
Eric Eruption Tai | Facebook
Payo ni Eric "Eruption" Tai, kasabay ng pagpupursigi ay huwag kalimutan ang Diyos at ang pamilya. Gawin mo lang ang hilig mo, paghusayan at pag-aralan ito. At kung saraduhan ka man ng pintuan ng opurtunidad asahan mo lang na mas maraming pintuan pa ang magbubukas para sa'yo.
Sa kasalukuyan ay mayroong 3.1 million followers sa Facebook ang Ting Ting King at patuloy na naghahatid ng good vibes sa social media.
Eric Eruption Tai | Facebook
Eric Eruption Tai | Facebook
Source: Julius Babao | Facebook