FYI, Parents! : 6 na Bagay na Hindi mo Dapat Pinipilit na Gawin ng inyong Anak! - The Daily Sentry


FYI, Parents! : 6 na Bagay na Hindi mo Dapat Pinipilit na Gawin ng inyong Anak!



Photo credit to Mid-day

"Finish everything on your plate.", "Give Uncle/ Aunt a kiss.", "Take the swimming class."...

Minsan nalilito na ang mga bata kung ano nga ba talaga ang makabubuti sa kanila. Kaya naman nariyan ang mga magulang upang ituro sa kanila ang mga tama at dapat gawin na makatutulong upang lumaki sila bilang mabubuting tao. Ngunit tila hindi maiiwasan na minsan ay sumosobra rin ang mga magulang at hindi natin namamalayan na masyado na pala natin sila nadidiktahan sa kung ano ang dapat at hindi dapat nilang gawin.

At kalimitan ay may hindi magandang naidudulot ang ganitong paraan ng pagpapalaki sa mga bata.


Narito ang anim na bagay na hindi diumano dapat pinipilit na gawin sa inyong mga anak.

1. Huwag pipilitin ang iyong anak na magpakita ng pisikal na pagmamahal sa inyong mga kamag-anak lalo na sa 'opposite sex'.

Photo credit to Today's Parent 

Ang pagpilit sa iyong anak na yumakap at kumandong sa kamag-anak na labag sa kanilang kalooban ay maaaring magturo sa kanila na tanggapin ang ano mang paglabag sa kanilang 'private space' at akalain na normal lamang ang pang-aabusong sekswal at pisikal. Mahalaga na ating respetuhin ang 'physical privacy' ng ating mga anak.

2. Huwag pilitin na humingi ng tawad ang mga bata kung hindi pa sila handang gawin ito.

Ang pagpilit sa inyong mga anak na humingi ng tawad na labag sa kanilang kalooban ay maaaring magdulot ng kahihiyan at galit. Mas mahalaga diumano na pag-usapan niyo ng inyong anak kung ano ang naging problema at maunawaan niya ang nagawang mali at antayin nitong matanggap ito at humingi ng tawad. Sa ganoong paraan malalaman niya na dapat ay kusang loob ang pagpapatawad at hindi pinipilit lamang.

3. Huwag pilitin ang mga bata na magbasa.

Photo credit to Discover Talking Pen

Karamihan sa mga magulang ay nais lumaking matalino ang kanilang mga anak kaya naman madalas ay pinipilit nila itong magbasa ng magbasa kahit na labag na sa kanilang kalooban. Maaari kasing dahil pilit lamang ay hindi nila iintindihin ang konteksto ng libro at isipin na ginagawa lamang ito dahil gusto ng kanilang mga magulang at hindi para matuto o maging libangan o 'hobby'.

4. Huwag pilitin ang mga anak sa mga 'extracurricular activities'.

Photo credit to FreePik

Minsan ang mga aktibidad na hilig ng mga magulang ay nais nilang kahiligan din ng kanilang mga anak. Madalas nais nilang makamit ng kanilang anak ang pangarap nilang naunsyami at hindi natupad. Mali raw ito dahil maaari magdulot ng agam-agam sa mga bata. Dapat ay hayaan silang pumili ng mga aktibidad na galing mismo sa kanilang interes at suportahan sila sa kung ano man ang kanilang nais.

5. Iwasan ang sapilitang pagpapakain sa mga bata.

Photo credit to Family Doctor

Sa mga new parents, tandaan. Ang madalas na pananakot sa mga bata upang kumain o ubusin ang pagkain ng mga ito ay sinasabing may pangmatagalang negatibong epekto sa mga bata. Karamihan sa kanila ay nawawalan ng self-control o nawawalan ng pangsariling kakayahan. Maaari rin silang magkaroon ng aversions o pag-ayaw sa anumang pagkain. Sa halip, haluan ng kasiyahan ang pagpapakin sa mga bata at wag ito ipilit.


6. Huwag pilitin ang mga bata na magbahagi o mag-share.

Lahat tayo ay kinalakihan na ang kasabihang 'Sharing is Caring'. Lahat ng magulang ay ninanais na maging mabait ang kanilang mga anak at matutong magbigay at magbahagi sa iba. Ngunit minsan may hindi magandang epekto ito sa mga bata dahil maaaring magkaroon ng 'self-entitlement' ang batang pinahiram ng iyong anak at isiping lahat ng bagay ay pwede niyang makuha. Pwede rin itong maging dahilan ng pagkapahiya ng iyong anak at pagbaba ng kanyang 'self-esteem'. Huwag ipipilit sa mga bata at sa halip ay ipaintindi muna sa kanya kung bakit kailangan niyang mag-'share'.

Nakatutulong rin diumano ang no-share policy sa mga bata sapagkat dito nila natutunan na mag-antay at maging mapagpasensya.


Source: The Asian Parent