11 anyos na bata, pwersahang pinaglaro ng mobile games ng kanyang ama nang 17 oras na walang tulugan! - The Daily Sentry


11 anyos na bata, pwersahang pinaglaro ng mobile games ng kanyang ama nang 17 oras na walang tulugan!



"KAKA-SELPON MO YAN!" Ito ang madalas lumabas sa bibig ng mga magulang tuwing nagkakamali, nagkakaroon ng pagkukulang o nakakakuha ng mababang marka sa eskwela.

Pero sa pagkakataong ito ay ginawang parusa ng isang tatay ang kinahuhumalingang video games sa cellphone ng kanyang anak. Dahil imbis na pigilan ay pinuwersa niya itong maglaro hanggang sa ito'y masuka.




Nahuli ng isang ama na kinilalang si Huang na pasikretong naglalaro ang kanyang 11 taong gulang na anak ng mobile games bandang ala una ng madaling araw.

Binidyo pa nito ang parusa sa anak at ibinahagi sa Douyin na mabilis din namang nag-viral sa mga lokal na pahayagan at social media.

Balak nito na paglaruin ng 24 oras ang bata ng walang pahinga! Bandang 7:30 ng umaga ay gising na gising pa at tila nag-eenjoy sa paglalaro ang kanyang anak, dahilan para abisuhan ni Huang ang guro nito at sabihang hindi na muna papasok ang bata.

dyhggmoqmmof | AsiaWire

dyhggmoqmmof | AsiaWire


1:30 ng tanghali ay hindi na napigilan ng bata ang pagod at puyat kaya nakatulugan na nito ang kanyang paglalaro. Labing dalawang oras na paglalaro pero hindi pa dito natatapos ang kanyang kalbaryo.

Ginambala ni Huang ang mahimbing na sanang tulog ng anak at sinabihan ito na ipagpatuloy lang ang kanyang paglalaro na siyang sinunod naman ng mala- lantang gulay na bata.

dyhggmoqmmof | AsiaWire




dyhggmoqmmof | AsiaWire


Matapos ang mahigit 17 oras (6:30 ng hapon), naglabas ng puting bandera ang bata at sumuko sa hamon ng ama. Humingi ito ng kapatawaran at nangakong hindi na maglalaro ng mobile games kapag oras na ng tulugan.

Nagkaroon ng kasulatan at nagkasundo naman ang mag-ama matapos nilang mag-usap.

Na-alarma man ang karamihan sa mga netizens sa naging paraan ng pagdidisiplina ng ama, nilinaw naman ni Huang na masunirin naman ang kanyang anak at ito'y pagbibigay lang ng leksyon.

Siniguro rin nito na nasa hustong pangangatawan ang anak para kayanin ang parusa at hindi iminumungkahi na gayahin ng ibang mga magulang ang kanyang sariling pamamaraan.


dyhggmoqmmof | AsiaWire


dyhggmoqmmof | AsiaWire