Vice Ganda, sinagot ang open letter sa kanya ng isang guro - The Daily Sentry


Vice Ganda, sinagot ang open letter sa kanya ng isang guro



Sumagot na si Vice Ganda sa open letter ng isang guro sa kanya na nag-viral sa mga social media platform.
Photo credit to the owner

Ayon kay Vice, hindi raw dapat sineseryoso ng mga manonood ang kanyang karakter bilang “YorMeme” sa noontime show na “It’s Showtime.”

Nagsimula ang lahat sa isang segment ng nasabing show kung saan ay nagbiro si “YorMeme” na ipagbabawal niya sa mga guro ang pagtatawag ng mga estudyante na hindi nagtataas ng kamay tuwing may recitation, pati na rin ang pagbabawal na mag-exam ang mga nakapag-review.

Panoorin sa ibaba:

Dahil dito ay umani ng iba’t ibang reaksyon ang biro ni Vice at hindi ito nagustuhan ng isang guro kaya nagpost ito ng open letter.

“Calling students who are not raising their hands is never wrong and never will be.”

“This effective strategy creates an expectation that all students are ready to answer every question. Guess what? This has been proven to promote attention, engagement, and participation,” patuloy niya.

“Hindi pagpapahoya ang tawag diyan. Maging aral sana ito sayo na bago ka maglahad ng iyong kuro-kuro ay dapat munang alamin mo kung may kabuluhan ba ito,” dagdag pa ng guro.





Matapos mag-viral ang open letter ay kaagad itong sinagot ni Vice.

Sa una ay sumang-ayon ang komedyante sa naging pahayag ng guro, ngunit pinaalala niya na isa lamang karakter si “Yormeme” at puro biro lamang ang mga sinasabi niya.

“Tama naman po ang karamihan sa mga sinabi ninyo. Matalino po ang pagkakalahad ninyo ng mga argumento ninyo. Mukhang alam na alam po ninyo ang mga sinasabi ninyo. Hanga po ako,” tweet ni Vice.

Aniya, “Yun nga lang po at baka hindi n’yo alam na ang ‘Yormeme’ ay isang RUNNING JOKE! Lahat po ng sinasabi ni Yormeme ay mali. Si Yormeme ay isang huwad at magnanakaw na pulitiko. Isa s’yang maling tao.”

Giit pa niya, “Sana po’y di n’yo siya sineryoso. Kahanga-hanga po ang matalino at maalam. Pero ok din po ang may sense of humor paminsan-minsan.”
Screencap from Twitter

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

“I’m a teacher in a public school. I’m not offended by vice coz I know it’s all in good fun. I’m one of those teachers din na tinatawag ang batang hindi nagre-raise ng hand but I also make sure na hindi mapapahiya ang bata at ang atmosphere sa loob ng klase ay full of love lagi,” saad ng isang nagpakilalang guro.

Comment naman ng isang netizen, “Siguro if the creative team is creating that a meme or joke segment, just at least gumawa na lang kayo ng subject na hindi nakaka-offend para sa iba? again vice, ito na naman tayo, sa inyo joke lang ‘yan pero para sa iba hindi. kung ‘di pa rin kayo matututo, kayo na talaga ang mali.”

Hirit ng isa pa, “Kung lahat ng biro ay seseryosohin wala ng mag papatawa, (hindi lahat ginagawang biro) hindi din lahat dapat sineseryo, if it doesn’t fit you just simply don’t wear it, ikaw lang masasaktan pag pinilit mo ‘yung bagay na hindi para sayo, a comedian is responsible for–”

“Baka ‘di nya lang gets meme ‘yun satire. We understood the jokes. We appreciate the effort na magpasaya at magpatawa ng madlang people at mga kapamilya,” sabi naman ng isa pa.


***