Lantarang hinayag ng customer na si Kathleen Magat sa kanyang Facebook account ang pagkadismaya ng matanggap nito ang inorder na pagkain mula sa isang fast food chain gamit ang isang food delivery app.
Naghinala na agad ito sa hitsura pa lang ng pagkakabalot at nang makita na nga niya ang laman ay halatang pinakielaman raw ang pagkaing binili nito.
"First time ko lang maka-experience ng dugyot na food panda rider. ++ Totoy pa itsura kya alam mong malakas lng mag trip!"
Ayon kay Kathleen ay tanggal na sa pag kaka-scotch tape ang balot nitong plastic pati na rin ang box na pinaglalagyan ng 4 na piraso ng fried chicken. At gaya ng inaasahan tumambad sa kanya ang manok na tinanggalan ng balat, kinurutan at nawawala din ang order na french fries.
Kathleen Magat | Facebook
Kathleen Magat | Facebook
Dismayado ito dahil ayon sa kanya ay madalas naman siyan magbigay ng TIP sa mga delivery rider lalo na kung halata na sa mga hitsura nito ang pagod sa mag hapong trabaho.
"Hindi naman ako madamot, nag bbgay ako ng tip sa rider lalo na pag alam kong mukang pagod na sa byahe" sabay pakita ng isang mensahe mula sa rider na nanghihingi ng tip.
Kathleen Magat | Facebook
Kathleen Magat | Facebook
"nag bigay nman ako ng tip pero pag check ko ng pagkain kulang kaya hinabol ko para inform sya na pakibalikan nmn ung kulang na order. Kinuha nya lng yung resibo ko pero di na bumalik, hindi man lang nga nag pasalamat."
"Ang laki laki pa ng katawan nya hindi naman sya mukhang nakakaawa mukhang ako pa nga nakakaawa dhil hindi ko nakuha pagkain ko pero nag bayad ako ng kumpleto."
Kathleen Magat | Facebook
Kathleen Magat | Facebook
Hindi mabilang na mga opinyon ang naglabasan dahil sa viral post ni Kathleen kasama na ang sentimyento ng ilang netizens na nagkaroon ng kaparehong karanasan at mga matitinong delivery rider na umano'y nadadamay dahil sa maling gawa ng ilan sa kanilang mga kasamahan.
May paraan naman sa mga food delivery app kung papaano mo maipaparating ang iyong reklamo, pero dahil sa naisapubliko na ito, inaasahaang magbibigay din ng kanilang pahayag ang kabilang kampo.
Kathleen Magat | Facebook
Kathleen Magat | Facebook
Source: Kathleen Magat | Facebook