Ogie Diaz at Gab Valenciano ang ilan umano sa mga nabanggit ni Willie na mga "walang utang na loob" - The Daily Sentry


Ogie Diaz at Gab Valenciano ang ilan umano sa mga nabanggit ni Willie na mga "walang utang na loob"



Kamakailan ay inilabas ni Wowowin host Willie Revillame ang ilang showbiz personalities na kanyang natulungan noon ngunit ngayon ay tinitira siya.
Ogie Diaz, Gab Valenciano and Willie Revillame / Photo credit to the owner

Isa sa mga nabanggit ni Willie ay ang artistang binigyan niya ng break sa Wowowin subalit lagi raw inaantok.

“Tapos yung isa, nag-Ingles-Ingles ka pa! Naging kasama ka namin sa production. Kapag pumapasok ka, di ba natutulog ka Papasok ka sa dressing room ko, ‘Kuya Wils, I cannot do this. You know, I feel so dizzy.’ May mga ganoon-ganoon ka pa sa akin.”

“Baka nakakalimutan mo, ikinasal ka sa Tagaytay? Sa akin natulog ang nanay at tatay mo, sa bahay ko sa Tagaytay. Ang galing-galing mong sumayaw, malapit ka sa Diyos, ang pamilya mo. Nagko-comment ka ngayon.”
Willie Revillame / Photo credit to the owner
Willie Revillame / Photo credit to the owner

“O ano, baka nakalimutan mo, kinupkop ko kayo noong kakasalin ka sa Tagaytay. Napahiwalay ka. Doon natulog sa akin ang tatay at nanay mo.”

Dagdag pa ni Willie, “Hindi ko ito isinusumbat. Iyan ang gusto n’yo, malaman ng mga tao yung totoo. Huwag kayong ganyan! Tumingin kayo sa pinanggalingan… tumingin kayo sa inutangan n’yo ng utang na loob dahil ako, marunong ako ng utang na loob.”

Ayon sa mga netizens, si Gab Valenciano ang personalidad na tinutukoy ni Willie.
Gab Valenciano / Photo credit to the owner
Screencap from Gab Valenciano Tweet

Isa kasi si Gab sa mga tila nagpakawala ng saloobin sa kanyang Twitter account.

“I haven’t been as vocal for awhile but I can no longer suppress my thoughts. I will just say this.”

“Your power to persuade people through gaslighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too,” aniya.
 Gab Valenciano / Photo credit to the owner

Si Gab Valenciano ay naging direktor ng Wowowin noong nasa GMA Network pa si Willie at ang programa.
 Ogie Diaz / Photo credit to the owner

Samantala, umamin naman si Ogie Diaz na isa siya sa mga natulungan ni Willie noon. 

Si Ogie ay binigyan ng P50,000 ni Willie noon at natalo sa eleksiyon sa pagka-konsehal.

“May isa naman, nagmamakaawa raw ako. Nagpapaawa ako. Hindi ako nagpapaawa! Noong tatakbo kang konsehal, pumunta ka sa kuwarto ko sa Channel 2. Binigyan kita ng singkuwenta mil. Natalo ka! Kilala mo kung sino ka! Aminin mo yan! Tatlo kayong nagho-host, nagpapatawa ka.”

“Baka nalimutan mo, binigyan kita ng ₱50k, tatakbo kang konsehal. That was mga year 2000. Natalo ka! Iyan ang gusto n’yo na labanan? Hindi ko ikinukuwento ito pero tinitira n’yo ako ngayon! Binigyan kita ng singkuwenta mil, tatakbo kang konsehal. Reporter ka! Sasabihin ko na lahat!”
Willie Revillame / Photo credit to the owner

“Gusto n’yo nang ganitong labanan? Naging mabait ako sa inyo. Wala kayong narinig sa akin. Kung ano ang kailangan n’yong tulong, ibinigay ko sa inyo!”
Willie Revillame / Photo credit to the owner

Agad namang sumagot si Ogie sa ‘panunumbat’ umano ni Willie sa kanya.

Narito ang buong Facebook post:

“Kayo ang may utang na loob sa akin!

Sabeeee???!!!!

Sana, pagkatapos niyang manumbat ng mga naitulong at nagawa niya sa kapwa, gumaan ang pakiramdam niya. Nabunutan na siya ng tinik. ‘Yung wala siyang pinagsisisihan at pinaninindigan niya kasi para sa kaniya, kailangan na niyang manumbat.

Sino pa ang ibang nabigyan ng tulong niya? ‘Yung nabigyan ng jacket diyan? Behave kayo, ha? May baon ang lolo n’yo against you pag nangyari ‘yon.
Ogie Diaz / Photo credit to the owner
Ogie Diaz / Photo credit to the owner

At wag kayong tatanggap ng anumang tulong o bigay o pabor, kung ayaw n’yong masumbatan balang-araw.

Oh, by the way. ‘Yung 50k cheque noon, habang ibinibigay niya sa akin ay nakikita ng mga tao sa dressing room niya. Hiyang-hiya man ako eh tinanggap ko pa rin.

Tapos, idiniretso ko rin sa Kasuso Foundation. Naisip ko, mas kailangan ng mga breast cancer patients na itinataguyod namin ang pera kesa kailangan ko.
Ogie Diaz / Photo credit to the owner

Thank you, ha? Malaking tulong ‘yon.

Ha? Ako? Kung may isusumbat sa kaniya?

Wala. Hindi ko ugaling manguwenta. Hindi ko ugaling manumbat. Pag ginawa mo nang kusang-loob at bukal sa puso ang isang bagay, nakakalimutan mo ‘yon as time goes by. Kasi nga, naturalesa mo ang magbigay at maging mabuti sa kapwa.

Yun ba, tatapatan ko pa ba ‘yon ng presyo? Hindi na.

Kulang ang 50k. Baka abutin ‘yon ng 51k.


In short, sana, na-happy siya sa kaniyang ginawa. At nakaginhawa sa kaniyang mental health.


Alangan namang isa-isahin ko sa kaniya ang pagtatanggol ko sa kaniya noon eh ginawa ko naman ‘yon nang kusang-loob at deserve naman niyang maipagtanggol."


***