"Lolo Vlogger", ipinagdiwang ang pagkakaroon ng 300 subscribers. Biglang pumalo sa halos 50k matapos maghanda ng pancit! - The Daily Sentry


"Lolo Vlogger", ipinagdiwang ang pagkakaroon ng 300 subscribers. Biglang pumalo sa halos 50k matapos maghanda ng pancit!



Humakot ang isang "Lolo Vlogger" ng higit sa 15k na tagasubaybay sa loob lamang ng ilang oras matapos nitong mag-post ng bidyo kung saan ay ipinagdiwang niya ang pagkakaroon ng 300 subscribers sa kanyang YouTube channel.

Lubos-lubos na ang pasasalamat nito sa tatlong daang nanonood sa kanya. Ngunit hindi ito dito nagtapos dahil makalipas lamang ang 2 araw ay mayroon na itong 48k  subscribers.




"Salamat po sa suporta niyo... Maraming salamat!" ani ng matandang kinilalang si Lolo Mandoy.

Sa kanyang bidyo na tumagal ng isang minuto ay ipinakita nito ang simpleng handa na pansit at isang Manila paper kung saan nakasulat ang "Happy 300 Subscribers!"

Mabilis na napukaw ng tagpong ito ang puso ng libo-libong netizens at kaagad namang sinuportahan ng mga ito ang pobreng matanda.

Lolo Mandoy Fishing Vlog

Lolo Mandoy Fishing Vlog


Si Lolo Mandoy ay isang mangingisda na ibinabahagi ang kanyang araw-araw na pagsabak sa dagat sakay ng munting bangka at dala ang kanyang pamingwit.

Bukod sa paghanga sa dedikasyon ng matandang mangingisda ay pinasalamatan din ng mga netizens ang mga kagaya nitong araw-araw na nakikipagsapalaran sa dagat.

Narito ang ilan sa mga komento:

"Maraming salamat po sa inyo tatay.. dahil sa inyo may isda kami naluluto.. pagpalain ka ng Diyos at pamilya mo tatay.."

Lolo Mandoy Fishing Vlog

Lolo Mandoy Fishing Vlog


"Palagi po kayong mag iingat sa pangingisda tay. Sana bigyan kayo ng Panginoon ng mabuting kalusugan, mahabang buhay at proteksyon sa araw araw. God bless po!"

Dahil sa mabilis na paglobo ng mga taga subaybay ni Lolo Mandoy ay may mga ilan ring nakakaalam sa pagpapatakbo ng isang YouTube Channel ang nagbigay payo sa matanda.

"Hello po Lolo, kunting tip lang po kung mareach mo na ang monetization requirement ni youtube. Bago mag apply, imute niyo po muna yong mga videos niyo na may music para po sigurado na tatanggapin kayo sa Youtube Partner Program. Sayang po kasi kapag nareject, one month pa po aantayin nyo para makapag apply ulit. Magpatulong po kayo sa taong pinagkakatiwalaan nyo at marunong po for youtube monetization. Hoping po for the best sa channel nyo. Padayun Lolo!"