Tumaas ang kilay ng mga pobreng manggagawa sa isang rebelasyon na ibinahagi sa social media ng vlogger na si Momshie Odille ukol sa mga ibinebentang Turon sa isang supermarket sa Zabarte mall.
Napagalaman kasi nito na kapag hindi raw naubos ang itinitindang meryenda ay ibabawas o ikakaltas ito sa sahod ng kanilang mga empleyado.
Ang pananabik nito sa Turon na isa sa mga paboritong meryenda ng mga pinoy ang naging daan para maisiwalat ang maling gawain na ito ng kumpanya.
Ayon sa video, habang siya ay nag go-grocery sa Savemore Zabarte branch ay nag-crave siya sa Turon kaya bumili ito ng limang piraso.
Laking pagtataka na lang niya nang mapuna ang kagalakan sa mga mata ng mga empleyado at may isa pa nga na napapalakpak pa dahil lang sa pagbili niya ng Turon.
Turon | Ctto
Momshie Odille | Facebook
"Bakit ang saya niyo? Anong meron sa Turon" paguusisa nito.
Dito na niya nalaman ang malungkot na mangyayari kapag hindi nabili ang mga ito.
Naglabasan sa comment section ang mga nagpakilalang mga dating kahera, trabahador at empleyado upang patotohanan ang rebelasyong ito.
Ayon sa kanilang karanasan, 10 Turon daw o higit pa ang kailangan nilang maibenta at kung hindi naman ito maubos ay inilalako nila ito sa labas.
Momshie Odille | Facebook
Momshie Odille | Facebook
Hindi lang daw ito nangyayari sa napuntahang branch ni Momshie Odille kundi maging sa iba pang mga branch ng nasabing store.
Dahil sa natuklasan niyang ito, hinikayat niya ang marami na bumili ng Turon upang matulungan at hindi makaltasan ang mga kawawang manggagawa ng grocery store.
Marami na rin aniya ang nagsesend ng private message sa kanya na mga maliliit na empleyado, partikular na ang mga kahera, upang magpasalamat dahil matagal na raw nila itong problema pero ngayon lang naisa-publiko.
SM Markets | Facebook
SM Markets | Facebook
Hindi lang raw sa ito Savemore nangyayari kundi pati na rin sa iba pang mga supermarket.
Naglabas naman ng opisyal na pahayag ang SM Markets patungkol sa issue at mariing pinabulaanan ang mga ito.
Ayon sa kanila, hindi ito kinakaltas sa mga empleyado dahil madalas ay nauuubos na ang kanilang mga turon bago pagkatapos ng kanilang operasyon.
Maling impormasyon anila ang ipinahayag ng Zabarte Mall branch at layunin nilang i-tama ito.
Momshie Odille | Facebook
Source: Momshie Odille | Facebook