Sa kabila ng kaliwa't kanang mga batikos at mga alegasyon ang ipinupukol ngayon laban kay Alex Gonzaga dahil sa isang kamalian na ginawa niya sa waiter ng isang restaurant sa Makati, na sinasabing kabiruan at kakilala na ng pamilya Gonzaga ay may mga tao paring dinamayan ang aktres sa kanyang kinakaharap na kontrobersiya.
Dinepensahan ng sikat na vlogger at influencer na si Toni Fowler ang aktres na kinakaharap ngayon ang galit ng karamihan sa social media.
“Hindi ko siya pinagtatanggol, pero nagsalita lang din ako kung ano ang experience ko sa kanya. Kasi minsan may mga taong inaantay ka lang magkamali, pagnagkamali ka, doon na maglalabasan ang mga artista, 'nakatrabaho ko yan, pangit ng ugali, kesyo ganyan,”
Dagdag pa ni Fowler, mula nang pinagpapasa-pasahan na ang naturang kuhang video clip, wala niisang taong nagawan ni Alex ng kabutihan at nagamit ang fame niya ay walang lumantad.
“Tapos ang nakakalungkot, nag-antay ako mula kagabi hanggang umaga, naghapon nalang. Nagpost ako ng hapon at gumabi na, wala paring nagsasalita para kay Alex,”
“So ako, gusto ko lang i-share ang experience ko na napakabait ni Alex. Kasi nakasama ko siya ilang beses na,”
May ilan ding nagsilitawang dating nakatrabaho ng actress-TV host-vlogger, at iilang mga personalidad na nagsabing masama raw ang ugali nito.
“Itong mga taong 'to, andami talagang nag-aantay sa mundo na magkamali ka, tapos talagang dudurugin ka. Meron din naman mga tao na nagawan mo ng mabuti, I think yun ang mabuting gawin na magsalita ka na hindi naman masama,”
“Hindi naman masama yung tao, nagkamali lang… Hindi ko sinasabing tama yung ginawa nya, mali pa rin, pero wag nating kalimutan na tao lang din siya at once ay napatawa din naman tayo,”
“Ang hirap magkamali dito sa Pilipinas. Lahat ng magandang ginawa niya, mapatawa lang ang mga manunuod na mga pagod din sa trabaho nila, parang nabura dahil lang sa isang maling nagawa niya,”
“Ayaw ko rin i-validate na lasing lang si Alex pero lasing siya eh. Ako rin kasi pag lasing ako pagpasensyahan nyo na makulit ako. Pero ang mali ay mali. Pero bigyan natin sya ng pagkakataon na maitama,"
Depensa rin ng singer na si Cris Lawrence hinggil sa isyu ay tila puro nalang mga negatibo ang nakikitang panig ng mga tao sa nangyari.
“People always have something negative to say. Let’s fast forward and after this event that waiter just went viral will probably get ‘something’ after and a LOT of sympathy, Most recognition he ever got as a waiter,” ayon sa singer
“So after all the noise, I’m sure he will be grateful that this happened. Looks like people just like to extract the negative out of things instead of positive.”
***
Source: KAMI
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!