Rider na Tuliro at Ninais Tumalon sa Tulay Matapos Maaksidente, Sinagip ng Mabuting Pulis! - The Daily Sentry


Rider na Tuliro at Ninais Tumalon sa Tulay Matapos Maaksidente, Sinagip ng Mabuting Pulis!



Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook

Minsan dumarating talaga sa ating buhay ang isang matinding pagsubok at suliranin. May ilan na inaakalang ang tanging solusyon rito ay ang pagkitil sa sariling buhay upang tapusin na ang dinadalang problema.


Tulad na lamang nang nangyari sa isang motorcycle rider na matapos diumano maaksidente at mabangga ng isang truck ay muntik ng magpatiwakal at tila natuliro sa sinapit na aksidente.
 
Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook

Buti na lamang ay nakita siya ng isang rumorondang pulis at agad naagapan ang muntik ng naganap na trahedya.

Ang pulis ay kinilalang si Boss M, ang vlogger at good samaritan sa likod ng Moto Ronda Vlog, na nakilala sa kanyang pagtulong sa kapwa na nangangailangan na kanyang nadadaanan habang rumoronda.

Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook

Ngunit tila kakaiba ang sitwasyong kanyang nadatnan sa isang motorcycle rider na nakitang nakaupo at umiiyak sa gilid ng isang tulay sa Makati City. 

Kanya itong nilapitan at nabatid na naaksidente pala ito at nabangga sa isang truck na bigla umanong huminto sa kanyang harapan, dahilan ng pagkabasag ng headlight ng kanyang motorsiklo.

Hindi na umano naghabol ang rider sa truck dahil aminado siya na siya ang may mali sa aksidente dahil nagmamadali raw siyang pumasok sa trabaho. Kaya sa sobrang takot ay natuliro at dinamdam niya ang aksidente, na muntik na raw siyang tumalon sa tulay at kitilin ang sariling buhay.

Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook

Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook


Mabuti na lamang talaga at dumating si Boss M at napigilan ito. Kanya itong inalok ng tulong at sinamahan itong masolusyunan ang suliranin sa motorsiklo.

Nagtungo sila sa isang shop ng motor sa Maynila at binilhan ni Boss M ng bagong headlight ang rider. Kanya ring pinalitan ang lumang side mirror ng motor nito.

Photo credit to MOTO RONDA VLOG | Facebook

Lubha naman ang pasasalamat ng rider sa napakabuting pulis na si Boss M at ng dahil sa huli ay na naresolbahan ang kanyang problema na inakala niyang wala ng solusyon. 

Payo naman ni Boss M, hindi lang sa rider kundi sa lahat ng motorista na huwag magmamadali at maging laging mag-ingat sa daan. Tandaan din raw na "Life is Beautiful" at lahat ng problema, maliit man o malaki ay ating malalagpasan kaya laban lang at huwag susuko, kaibigan.