Reaksyon ng isang Japanese Youtuber sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA, viral - The Daily Sentry


Reaksyon ng isang Japanese Youtuber sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA, viral



Nagbigay ng kanyang reaksyon ang isang Japanese native at content creator matapos mapanood ang trailer ng live adaptation ng 70’s hit anime series na “Voltes V” ng Kapuso GMA Network.
Photo credit to the owner

Matatandaan na mabilis nag-viral sa social media ang trailer ng live adaptation ilang oras lamang matapos itong ilabas. 

Nagbigay ng iba’t ibang reaksyon ang mga netizens patungkol sa nasabing trailer.

Isa sa mga nag-react ay si Ryu mula sa kanyang youtube channel na “Ryu Japan.”

Sa bungad pa lang ng trailer, ilang beses na napa-wow na agad si Ryu sa detalye ng proyekto.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

“I love the realness to it,” ani Ryu habang nagpapatuloy sa kaniyang reaksyon.

Maging ang background music ay napansin din ni Ryu.

Unang lumabas sa bansang Japan noong 1977 hanggang 1978 ang hit anime series na kalauna’y napanuod sa Pilipinas, bukod sa iba pang bansa.
Screencap from Ryu Japan | Youtube
Screencap from Ryu Japan | Youtube

“It looks really really good. I’m really surprised by this cause it was a lot better than I saw. The graphics are really realistic. The actors are good. The scenes are good. The plane scenes are good,” paglalarawan ni Ryu sa kabuuang materyal matapos panuorin ito.

“It looks like a movie to me. It looked really good,” patuloy na papuri pa rin ng content creator.

Sa huli, umaasa naman si Ryu na mapapanood ang live adaptation sa Japan.
Screencap from Ryu Japan | Youtube

Kahit napansin ni Ryu ang aniya’y malaking pagkakaiba ng proyekto sa orihinal na Japanese anime version, excited na rin siyang masubaybayan ito gayunpaman.

I am so excited to watch this.  I am really glad that I can finally see it,” pagtatapos niya.

Ang kaniyang reaction video ay tumabo na sa mahigit 172,000 views pag-uulat.

Panoorin ang video sa ibaba:

Samantala, isa rin sa mga nag-react ay ang beteranong komedyante na si Michael V.

"Kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!" paunang sabi ni Michale V sa kanyang Facebook post.

“"I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever!” dagdag nito.
Michael V / Photo credit: PEP
Michael V / Photo credit: PEP

Binanatan rin ng komedyante ang mga bashers ng live adaptation.

"Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion," sabi niya.

Narito ang kanyang buong post:

"Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!

I know, nag-express na ‘ko ng excitement ko sa previous post ko pero this trailer got me more excited than ever! Nabasa ko rin ‘yung mga comments n’yo and I’m glad na maraming nag-a-agree especially ‘yung TOTOONG FANS ng V5. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Pero s’yempre hindi mawawala ‘yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers. Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion. 

Basta ako, sa trailer pa lang na ‘to SOLD na ako! Kudos kay Direk Mark Reyes, sa cast, sa animators and everyone involved sa production ng Voltes V: Legacy! You made me travel back to my childhood and relive a feeling that has long been waiting to be rekindled. I’m looking forward to that feeling in every episode. 

To all the fans and the bashers, this show is for you! Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. 

Happy 2023!"

Panoorin ang trailer ng Voltes V: Legacy sa ibaba:


***