Ang LGBTQ+ community (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, at iba pa) ay mas tanggap na ngayong panahon kumpara noon.
Marami pa ring mga magulang ang hindi matanggap ang katotohanang hindi ’straight’ ang kanilang anak. Kung minsan nga ay nagagawa pa nilang itakwil ang mga ito.
Samantala, tila marami ang natuwa sa kwento ng isang pulis na na-inlove sa isang transwoman.
Photo credit: Louise
Photo credit: Louise
Sa Facebook page na PUBLIKO, ibinahagi ng transwoman na si Louise ang kanilang mga larawan ng kanyang kasintahang pulis.
Ipinagmalaki rin siya ng pulis nang dalhin siya nito sa isang event kung saan kasama rin ng ibang mga pulis ang kani-kanilang mga partner.
“As what they said, love conquers all. Yes absolutely true,” sabi ni Louise.
Kwento ni Louise, nagsimula ang kanilang love story noong sila ay mga studyante pa lamang.
Photo credit: Louise
Photo credit: Louise
“We both conquer every challenges that comes, hindi madali pero kinaya. Our relationship is one of those extra special. Why did i say extra special? A pulis men fell in love with a transwoman,” kwento niya.
“YES! I am a transwoman but he accepted me for who I am not because of my gender. We've started from an empty box, as in walang-wala. Pareha kming estudyante ng nagsimula, allowance lng ang meron. Nag di-date sa simpleng lugar basta lng may oras kming dalawa para sa isa't isa,” dagdag ni Louise.
"May mga pagkakataon din na binabatikos ang aming relasyon but then at the end of the day we both choose to stay with each other."
Aniya, noong una ay nagdududa siya kung talagang mamahalin siya ng pulis.
“At first, nag hesitate ako if this man will love me unconditionally but fortunately di nya ko binigo sa mga expectations ko sa kanya. HE TRULY LOVE ME UNCONDITIONALLY!” she happily announced, sharing their photos together....
“As a transwoman, di madali makahanap ng sabi nga “totoong magmamahal at tatanggap” sa atin. May mga agam-agam na baka ganito ng ang habol, ganito ganyan.. sa mga kapwa ko transwoman lift your voice be heard, may karapatan din tayong magmahal at mahalin ng totoo. Di lng natin namamalayan nandyan lng pala ang tinadhana sa atin ng Diyos.”
Umabot na sa anim na taon ang pagsasama ng dalawa.
"Be patient, katulad ko mararanasan mo din magkaroon ng 6 long yrs in a relationship (i know 6 yrs is not that long pero para sa amin ng partner ko, we've been together for a very long long journey)..
"Recently, we are now enjoying the company of each other, enjoying all this little things na naipundar namin together and we will continue building our dreams together not just a couple but being the best partner..
"Before i end this long echus melet i would end this with a quote, 'believe and you will have it'."
***
Source: PUBLIKO | Facebook page