Pansalang Pinoy, dismayado matapos mawalan ng gamit mula sa kanyang US-PH flight - The Daily Sentry


Pansalang Pinoy, dismayado matapos mawalan ng gamit mula sa kanyang US-PH flight



Ikinuwento ng food content creator na si Vanjo Merano o mas kilalang ‘Panlasang Pinoy’ ang nakakadisyamang karanasan nila ng kanyang pamilya nang umuwi sila ng Pilipinas noong nakaraang Disyembre.
Photo credit to the owner

Sa kanyang bagong vlog, hindi naitago ng Merano ang pagkadismaya sa kanilang pagbabalik bansa makalipas ang mahigit isang dekada.

Ito raw ang unang pasko na mararanasan ng kanyang mga anak sa Pilipinas.

Aniya, Philippine Airlines ang sinakyan ng kaniyang pamilya pauwi ng bansa mula San Franciso, California.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Nagkaroon din ng delay ang kanilang flight sa PAL dahil sira umano ang ilang amenities at upuan ng kanilang business class seat.

Ang mas nakakadismaya ay nang malaman nilang nawala ang ilang gamit nila sa kanilang maleta.

Aniya, nabuksan ang maleta na pag mamay-ari ng kasintahan ng kanyang anak. Kasama sa mga nawala ay ilang pabango at mga tsokolate.
 
Hindi naman daw sila pinabayaan ng PAL dahil nangako ang mga ito na babayaran ang halaga ang mga nawalang gamit.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Subalit hindi pa rin maiwasan ni Merano ang madismaya dahil sa abala na kanilang naranasan.

Dagdag pa niya, nag-aalala siya dahil baka hindi lamang sila ang nakaranas ng ganitong problema.

“Wala kami pinagbibintangang sinuman o saanman dahil wala kaming ebidensya. Kinukwento ko lang ang nangyari sa amin,” sabi ni Merano.

“Iyong experience sa PAL, wala iyon, nagawan naman ng solusyon, eh. Ang di lang namin matanggap, iyong mga nagnanakaw.. for sure, ‘di lang samin iyan nangyayari,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Merano na dumaan sila sa tatlong airports kaya sana raw ay huwag isipin ng mga netizens na sa NAIA nawala ang kanilang mga gamit.

Panoorin ang video sa ibaba:



***