Pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay, sinaklolohan ni Whamos! Bahay, gamit at groceries, ipinangako ng vlogger. - The Daily Sentry


Pamilyang nakatira sa ilalim ng tulay, sinaklolohan ni Whamos! Bahay, gamit at groceries, ipinangako ng vlogger.



Sa kanyang pinakabagong vlog, ibinahagi ni Whamos Cruz ang kanyang pagbisita sa isang pamilya na nakatira sa ilalim ng tulay sa Mendez, Cavite.

Sa tabi ng malalim na bangin kasama ang kanilang tatlong anak ay halos isang taon ng naninirahan sa ilalim ng tulay ang kawawang pamilya. Wala silang kuryente at tubig, natutulog lamang sa malamig na bato gamit ang manipis na kutson.




Ume-extra ng paglalaba at pagpa-plantsa ang butihing ina na si Me-an habang ang asawa naman nito ay namamasukan bilang janitor sa isang eskwelahan.

Delikado ang lagay ng pamilya dahil sa isang maling pagkakamali lang ng mga ito, lalo na ng mga bata ay maari silang mahulog sa malalim na bangin. Tanging ang manipis na kahoy lang ang nagsisilbing harang nila dito.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dahil hindi sapat ang kita ng mag-asawa, hindi na nila iniisip pa na mangupahan dahil kung gagawin nila ito ay maaaring wala ng matira sa kanila na pangkain.

Batid ni Whamos ang hirap ng sitwasyon ng pamilya dahil siya mismo ay nakaranas ng pagtitiis, dumudumi pa nga raw ito noon sa kanal dahil wala silang sariling palikuran.

Mula raw ng mapanood niya ang estado ng mga ito sa isa pang vlogger na si Kuya Leo Cares ay kaagad na nitong pinlano ang pagtulong sa pamilya.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Dali-dali itong bumyahe mula Maynila patungo sa Cavite upang personal na iabot ang kaunting tulong at ihatid ang magandang balita kila aling Me-an.

Agad na binigyan ni Whamos ng makakain ang pamilya at binigyan ng limang libong piso para panggastos.

Matapos ang maiksing panayam ay hindi na ito nag atubili na alukin ang pamilya na lisanin na ang delikadong lugar at tumira sa mas maayos na tahanan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook


Sasagutin na daw nito ang isang taong bayad sa upa kasama na ang pagbili ng ilang kagamitan tulad ng electric fan at groceries para sa pang araw-araw ng pamilya.

Laking pasasalamat naman ng mga ito sa biyayang natanggap mula sa vlogger sa pinangako nitong bagong buhay at bagong pag-asa para sa kanila.

Plano pa nitong bilhan ng mga bagong damit ang mag-anak nang sa gayon ay mas maayos nilang haharapin ang kanilang bagong panimula.

Lumisan si Whamos at iniwanan ang pamilya na may ngiti at baon baon sa kanilang puso ang pag-asa. Ang pangarap na makatakas sa madilim at malamig na ilalim ng tulay kung saan nagtiis silang manirahan ng pitong buwan.

Whamoscruz | Facebook

Whamoscruz | Facebook