Mala-higanteng babae na gawa sa Sapsap, kinabiliban sa Bambanti Festival. - The Daily Sentry


Mala-higanteng babae na gawa sa Sapsap, kinabiliban sa Bambanti Festival.



Agaw-pansin ngayon sa Bambanti Festival ang isang napakalaking babae na yari sa hindi mabilang na mga 'dried sapsap' dahil sa napakahusay at detalyadong pagkakagawa dito.

Ibinida ito sa booth ng Dinapigue isang munisipalidad sa Isabela. Isa sa mga ipinagmamalaki nilang produkto ang dried sapsap kaya naman hindi nagdalawang isip ang mga ito na gumawa ng isang obra maestra mula sa nasabing uri ng isda.




Ang buhok nito ay gawa sa lambat na pinalamutian din ng masarap na lamang dagat.

Kung ito ay hindi mo lalapitan. hindi mo mahahalata kung ano ang ginamit para magawa ito. Ngunit kung susuriing mabuti at lalapitan ay kitang-kita ang kinalabasan ng kanilang tiyaga at pagtutulungan para mabuo ito.

Talaga namang kakaiba at sadyang pinagisipan ang likhang ito kaya naman mabilis rin kumalat ang mga larawan nito sa social media.

Baldwin Bartolome Creatives | Facebook

Baldwin Bartolome Creatives | Facebook


Matatandaang ang huling Bambanti Festival ay ipinagdiwang noong Enero 2020 at ang Bambanti festival ay itinuturing na isang pasasalamat ng mga Isabelino para sa kanilang masaganang ani ng agrikultura.

Inilunsad noong early 2000, ang pagdiriwang ay isang ring kaganapan para sa turismo, kultura at pamana na nagpapakilala sa mga lalawigan ng Isabela bilang pangunahing pinagkukuhanan ng mais na isa ring destinasyon ng ecotourism ng bansa.

Baldwin Bartolome Creatives | Facebook



Matatagpuan ang mga nag gagandahang mga booth sa Isabela Skypark, Alibagu, City of Ilagan.

Ang isang linggong pagdiriwang na ito ay nilahukan ng 32 mga bayan at lungsod at sa huling araw o pagtatapos naman ng nasabing festival ay magpapasiklaban ang mga pinaka magagandang babae na pambato ng mga iba't ibang lalawigan para paglabanan ang prestihiyosong titulo ng Queen Isabela 2023.

Taga Isabela Ako | Facebook

Taga Isabela Ako | Facebook