Naging matagumpay ang “Huling El Bimbo” concert ng iconic band na Eraserheads na ginanap noong December 22, 2022 na dinaluhan ng mahigit 75,000 na fans.
Photo credit to the owner
Umani ito ng positibong reaksyon dahil marami ang naka-miss sa legendary band ng Pilipinas at marami rin ang matagal ng hinihintay ang reunion ng Eheads.
Isa sa mga naging co-producer ng concert ay ang pambansang bae at Kapuso aktor na si Alden Richards. Binati siya ng kanyang mga tagahanga dahil sa naging successful na event.
Anila ay malaki rin ang kinita ng aktor dahil kasama ang kompanya nitong ‘Alden’s venture Myriad Corporation’ sa mga producers.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Ayon kay Salve, umabot raw sa P80-M ang talent fee ni Ely.
“Marami rin daw kasi sa nanood ng nasabing concert ay complimentary tickets though marami raw talagang bumili rin pero dahil daw sa mahal ng production cost, hindi diumano kumita ang mga producer nito,” sabi ni Salve.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Isang promoter at investor ng nasabing concert umano ang naglabas din ng P275-M upang matupad lamang ang event.
Tanong naman ng mga fans ni Alden at Ely, kung totoong nalugi ang mga investors, bakit umano may planong world your ang Eheads?
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang kampo nina Alden at Ely patungkol sa nasabing balita.
***