Inamin ng aktres na si Glydel Mercado na napilitan siyang lumapit sa albularyo dahil sa kanyang kakaibang karamdaman.
Glydel Mercado / Photo credit to the owner
Sa isang interview sa aktres para sa mediacon ng pelikulang “That Boy in The Dark”, nakaranas umano siya ng palpitation, anxiety attacks at takot sa pagkain.
Aniya, nagsimula raw ang kanyang mga nararamdaman nang hindi niya natulungan ang isang kamag-anak.
“Kapag sinasabing kakain na, nanginginig na ako tapos umiiyak ako habang kumakain,” kwento ni Glydel.
Glydel Mercado / Photo credit to the owner
Glydel Mercado / Photo credit to the owner
“Lahat ginawa sa akin at okay daw ako. Sabi ko, ‘Dok hindi puwedeng okay kasi may nararamdaman ako.’ Ang ginawa nila pinabalik ako sa psychiatrist ko. After ng doctor, nagpatawas ako. Naniniwala kasi ako sa tawas,” dagdag niya.
Glydel Mercado / Photo credit to the owner
Glydel Mercado / Photo credit to the owner
Ayon sa albularyo, isang kamag-anak daw ni Glydel ang lumabas sa tawas na nagpapatulong sa isang matabang babae.
“Every Tuesday and Friday ang session namin noon so naka-red ako. May pangkontra ako sa bulsa. Ganun pa rin, nanginginig ako. Then parang nakausap ng albularyo ko at ang gusto nila buhay ko ang kapalit. Oh my God! Buong buhay ko tinulungan ko sila tapos ganun lang ang gusto nilang gawin sa akin?
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Seven Fridays and seven Tuesdays ‘yun. Noong last Friday ko, tapos na lahat ang rituals, nagulat ako noong November, namatay siya. Pinagdasal ko pa rin siya dahil kamag-anak ko siya. Ang ginawa kasi ng albularyo ko, ibinalik sa kanila. Sabi ko naman noon ayokong ibalik, gusto ko lang gumaling. Eh nagalit ‘yung albularyo ko kasi lumalaban daw. Gusto nila akong mamatay. After that, bigla na akong ginanahan kumain.
“So inalam namin paano namatay. Ang sabi kumain lang daw, natulog tapos hindi na nagising. Sabi ko at least hindi siya nahirapan,” dagdag niya.
Sa ngayon nga ay magaling na raw si Glydel at umaasa siyang bumalik sa dati ang kanyang timbang.
***
Source: Abante Tonite