Dambuhalang tilapia na may timbang 5.2 kilos, nahuli sa Kidapawan City - The Daily Sentry


Dambuhalang tilapia na may timbang 5.2 kilos, nahuli sa Kidapawan City



Nakakatuwa at nakakagulat ang nahuling dambuhalang tilapia mula sa Kidapawan City na mayroong timbang na aabot sa 5.2 kilos.
Photo credit to the owner

Noong Hunyo, 2021 nang mahuli ang higanteng tilapia mula sa palaisdaan ng kapitan ng Barangay Balabag sa Kidapawan.

Sa mga larawan pa lamang ay makikita na kung gaano kalaki ang nasabing isda dahil halos matakpan na ang kalahating katawan ng lalaking humahawak dito.

Ayon sa ulat ng PEP, walong buwan inaalagaan ang mga tilapia sa naturang palaisdaan ngunit nang linisan na nila ito ng tubig ay natagpuan nila ang hindi lamang isa kundi apat na dambuhalang mga tilapia! Ang mga fingerlings daw ay mula pa sa Davao Del Sur at talagang kinagulat ng may-ari na may mga higanteng isda pala sila sa kanilang fish pond.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Hindi ito ang unang pagkakataon na may nahuling higanteng isda sa ating bansa. Noong 2019 lamang ay may nabingwit na malaking tilapia ang isang lalaki sa Estero De San Miguel sa Manila.

Ayon sa ulat, umabot sa tatlong kilo ang timbang ng isda.

Basa naman sa isang commercial feeds supplier, hindi raw patok sa mga mamimili ang malalaking tilapia. Marami kasi ang naniniwalang mas masarap at mas malinamnam ang malilit na mga isda.
Photo credit to the owner

Dagdag pa nila, marahil ay overfeeding ang dahilan kung bakit lumaki ng 5.2 kilos ang ilang mga tilapia sa Kidapawan City. Samantala, ang tipikal na timbang ng tilapiang nabibili natin ay karaniwang hindi lalampas ng isang kilo at may haba na walong pulgada.

Talaga namang napakasarap nitong ipirito o ihawin lalo na kung talagang sariwa pa. 

Ayon naman sa kapitan ng barangay Balabag ay iniluto na lamang nila ang kanilang higanteng huli at nasorpresa silang lahat dahil wala naman daw kaibahan ang lasa nito sa ordinaryong sukat ng tilapia.


***