Bea Alonzo, surpresang ipinagluto at hinandaan ang mga katutubong Aeta na kanilang kapitbahay sa Zambales. - The Daily Sentry


Bea Alonzo, surpresang ipinagluto at hinandaan ang mga katutubong Aeta na kanilang kapitbahay sa Zambales.



Ilang linggo na matapos ang araw ng pagbibigyan ngunit tila nagsisimula pa lang ang kapuso aktres na si Bea Alonzo. Ipinaghanda kasi nito ang kanilang mga kapitbahay na mga katutubong Aetas ng masasarap na pagkain.

Isang imbitasyon para sa isang salo-salo ang natanggap ng mga Aetas sa farm nila Bea sa Zambales.




Surpresa ang pagdating ng kapuso star at ng kanyang pamilya dahil hindi aniya inaasahan ng kanyang mga bisita na siya ay darating.

Bukod pa rito ay siya mismo ang nagluto ng mga inihandang pagkain kasama ang kanyang kapatid na si James at sister-in -law na si Thalia.

Bida sa hapag-kainan ang kanilang mga specialties na Chicken Hamonado at Arroz Valenciana o Bringhe.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube


Ang munting salo-salo ay sinimulan ng isang panalangin na pinangunahan ng amang Aeta.

Pagkatapos ng masarap na kainan ay sinundan naman ito ng masayang sayawan at kitang kita na game na game din sa pag-indak ang mommy ni Bea na si mommy Mary Anne.

Ang kaligayahan na bakas sa mga mata ng mga bisita ng aktres lalo na sa mga batang Aetas ay walang katumbas.

Bea Alonzo | YouTube

Bea Alonzo | YouTube


Isang pagpapakita nanaman sa ibinahaging vlog ni Bea na hindi lang angking kagandahan ang meron sa kanya, maging ang kabutihang loob ay siya rin nitong taglay. 

Ang maging inspirasyon sa pagbabahagi ng magandang asal at pagtulong sa kapwa ay isa sa mga magagandang elemento na maaari nating tangkilikin sa internet at social media.

Sabi nga sa isang komento sa kanyang latest vlog, "Kung lahat sana ng mga YouTubers ngayon makabuluhan din yung content tulad nito instead of being problematic,"