Kapag responsable ang isang magulang, gagawin nito ang lahat mabuhay lamang at masuportahan ang kanyang pamilya kahit gaano pa ito kahirap.
Photo credit to the owner
Ito ang pinatunayan ng isang ama mula sa Sultan Kudarat na nag-sisikap mangahoy at isang mag-uuling kahit na iisa lamang ang paa nitong gawa sa Artificial Leg.
Hirap man sa buhay pilit nitong pinagsisikapang matustusan ang pang araw-araw na pangangailangan ng kanyang pamilya.
Ayon kay Mang Jerry, nais niyang makatapos ang kanyang mga anak sa pag-aaral. At kahit halos sira na ang kanyang artificial na paa ay ginagawa pa rin niya ang lahat ng kanyang makakaya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Gustuhin man niya itong palitan ng bago hindi niya ito magawa dahil mahal ang presyo nito.
“Grabe ‘yung hirap na iisa lang ang paa. Pero kinakaya ko para sa pamilya ko. Pero kahit anong trabaho, basta kakayanin ng paa ko, gagawin ko para mabuhay lang mga anak ko. ‘Yung artificial leg ko nabasag na siya sa katagalan,” saad ni tatay Jerry.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
‘Yung mga butas, nilalagyan ko lang ng epoxy. Tapos ‘yung gilid, nila-lock ko lang gamit ‘yung goma na galing sa gulong ng truck. Sira na talaga. ‘Yung pakiramdam sa paa ko, parang kinakagat na. Nagsusugat na rin paa ko. Nagkakapaltos na rin kaya minsan, kapag nagtatabas ako, gumagapang na lang ako sa gitna ng maisan. Sobrang hirap,” dagdag ni tatay Jerry.
Photo credit to the owner
"Pero kung hindi ko kasi titiisin, wala akong ipapakain sa mga anak ko,” aniya.
***