Viral ngayon ang ulat ng New York Post patungkol sa isang social media personality sa Amerika na gumastos ng mahigit kalahating milyon para maibalik ang kanyang virginity.
Júlia Medeiro / Photo credit: Google
Ayon sa ulat, kinilala ang babae na si Júlia Medeiros na isang Brazilian blogger na ngayon ay nakabasa na sa Miami Florida.
Muli umanong naibalik ang orihinal na porma ng kanyang ari matapos siyang sumailalim sa isang operasyon na tinatawag na “hymen reconstruction surgery.”
Ayon naman sa report ng news outlet na The Daily Star, ginawa ito ng dalaga dahil niloko siya ng kanyang ex.
Júlia Medeiros / Photo from Google
Júlia Medeiros / Photo from Google
“I was a 17-year-old teenager when I lost my virginity to a 30-year-old guy,” ani Julia.
“Just like many women, I was deceived. I was promised marriage and children like in fairytales,” dagdag niya.
Matapos ang karanasan, iniingatan na ngayon ni Julia ang kaniyang birhen na aniya’y handa siyang ibigay sa isang “someone special.”
Júlia Medeiros / Photo from Google
Júlia Medeiros / Photo from Google
“I always wanted to have that special moment for myself. I want it to be unique and romantic, like in fairy tales. That’s why I had the surgery,” pag-amin pa ni Julia.
Samantala, dito sa Pilipinas ay naging usap-usapan din ang dokumentadong pagpapa-“sikeps” noong 2021 ng online personality at kontrobersyal na vlogger na si Toni Fowler.
Isang non-surgical procedure para sa “labia and vaginal tightening and rejuvenation” na tinatawag na “Thermiva” ang ginawa naman kay Toni.
Toni Fowler / Photo credit to the owner
Toni Fowler / Photo credit to the owner
“Yung physical appearance kasi ng private part ko, hindi na siya katulad ng dati. Kasi siyempre, nagkaanak na ako, may tao nang lumabas doon. Kaya naisipan kong subukan ‘yung vaginal tightening treatment.”
“Marami sigurong ibang kababaihan na gustong ipaayos ‘yung hitsura ng private part nila at may malalalim silang mga dahilan. Kaya ko vin-log ‘yung experience para sabihin sa mga tao na ‘wag silang mahiya kung gusto nilang gawin ‘to kasi hindi naman kasalanan gawin ‘to,” sabi ni Toni noon.
***
Source: Balita