20-anyos na ina, ibinenta ang kambal na anak upang may pambayad sa mga utang at pambili ng cellphone - The Daily Sentry


20-anyos na ina, ibinenta ang kambal na anak upang may pambayad sa mga utang at pambili ng cellphone



Isa sa mga pangarap ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng mga anak balang araw. Ito ay isang biyaya na mula sa Panginoong Diyos.
Photo credit to the owner

Ngunit nakakalungkot isipin na may mga magulang na talagang iresponsable. Hindi nila iniisip ang kapakanan o ikakabuti ng kanilang anak bagkus ay mas iniisip pa nila ang kanilang sarili.

Katulad na lamang na isang 20-anyos na babae sa Cixi City, Zheijang Province, China. 

Nagsilang siya ng kambal na sanggol. Ngunit imbis na alagaan at palakihin ng tama ay nagawa niyang ibenta ang mga ito.

Ibinenta niya ang kaniyang kambal na lalaking anak sa magkaibang presyo pa. Ang una ay ibinenta niya ng 45,000 yuan o Php 316,370 at ang isa naman ay 20,000 yuan o Php 140,609.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang kanyang dahilan sa pagbenta ng kambal na anak ay upang mabayaran umano ang mga utang sa credit card. Dahil sobra pa ang kanyang pera ay bumili na rin siya ng branded at mamahaling cellphone.

Sa kabilang banda, nagparamdam sa kanya ang ama ng kambal ngunit hindi para magalit ito sa ginawa niya sa kanilang anak kundi upang humingi rin ng pera para pambayad sa mga utang nito sa sugal.

Nang malaman ito ng awt0ridad ay agad silang inÃ¥resto at nahaharap sa kaukulang kas0 habang ang kambal na sangg0l naman ay nabawi mula sa mga taong bumili. 

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ang kambal ng kanilang lolo at lola.


***