Hindi maitago ng isang netizen ang kanyang pagkadismaya ay pagkagulat nang makita ang presyo ng isang cup ng kanin sa restaurant na kanyang kinainan sa Baguio City.
Photo credit to the owner
Hindi naman kasi makatotohanan ang presyo nito at kahit na sino ay magugulat at magtataka.
Ayon sa netizen na tumangging pangalanan, medyo mahal na talaga ang mga order nilang ulam ngunit hindi niya akalain na maging ang extra rice ay parang ginto ang presyo dahil mas mahal pa ito sa isang kilo ng bigas.
Makikita sa resibo na umabot sa 75-pesos ang kanyang inorder na isang cup ng rice.
Maging ang mga netizens na nakakita sa resibo ng restaurant ay nadismaya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Anong resto ito pre? Para aware ang karamihan. Di makantarungan.” tanong ni netizen Poy Oma.
“Next time magbaon nalang sya ng sariling kanin sobrang mahal buti pa sana kung unlimited rice,” wika ni Charlene Manalastas.
“1 kilo 40 pesos malambot na yon 10 cup na rice na. Maawa kayo sa mga pilipino,” sabi naman ni Catherine Veloria.
Kung iisipin ay mas mahal pa ang extra rice ng nasabing restaurant kaysa sa ilang kilalang restaurant sa bansa.
Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng tugon ang nasabing restaurant kung bakit ganoon na lamang kamahal ang kanilang extra rice.
***