Nanay, sumama ang loob sa OFW na kumare matapos hindi maibigay ang laptop na hinihingi para sa inaanak - The Daily Sentry


Nanay, sumama ang loob sa OFW na kumare matapos hindi maibigay ang laptop na hinihingi para sa inaanak



Tuwing sasapit ang Disyembre ay binibigyan ng mga ninong at ninang ang kanilang mga inaanak ng regalo o aginaldo upang maging masaya ang kanilang pasko.
Photo credit to the owner

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nakapagbibigay ang mga ninong at ninang dahil mayroon din silang pinagkakagastusan at hindi sa lahat ng panahon ay may pera silang nakatabi.

Samantala, marami na ang nag-viral at kumalat sa social media na kwento patungkol sa mga nanay na demanding o nagagalit kapag hindi nabibigyan ng pera ang kanilang mga anak.

Ngayon ay mayroon nanamang panibagong viral na usapan ng magkumare sa social media na nauwi sa samaan ng loob dahil hindi napagpbigyan ni ninang ang hiling ni kumare na laptop para sa kanyang anak.
Photo credit to the owner

Sa ibinahaging screenshot ng pag-uusap ng magkumare, mababasa na isa umanong laptop ang gustong pamasko ng inaanak ng isang OFW.

Ayon sa OFW na ninang, wala siyang pambili ng laptop dahil wala siyang malaking pera.

Aniya, padadalhan nalang niya ng pera ang kanyang inaanak pagkakuha ng kanyang sahod.

Nagpumilit naman ang nanay sa hinihinging regalo at sinabing nasa P11,000 lamang daw ang laptop na kanilang bibilhin.

Hindi naman yan mahal mare may nakita kami ng inaanak mo sa SM tig 11thousand kasama na lahat ng accesories,” sabi ng nanay.

Ayon sa nanay, wala daw mararating ang P500 na ibibigay ng kanyang kumare.

Ang mas lalo pang nakakagulat ay nang utusan ng nanay ang kanyang kumare na umutang nalang muna upang maibigay ang hinihinging laptop.

Manghiram ka nalang uli sa kapatid mo mare para mabilhan mo si…..” sabi ng nanay.

Sori mardz hang 500 lng kaya qng ibigay x knia…cge na mardz dmi p qng ggawin,” sagot ng OFW na ninang.

Narito ang screenshot ng kanilang usapan:




Sa ngayon ay umabot na sa 18k reactions, 6.8k comments at 58k shares ang nasabing post.

Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"mag-aanak kayo tapos gusto nyo ipaako yung responsibilidad na kayo dapat ang mag fulfill . jusko ka mare..pumunta ka na nga sa liwanag sakit ka sa ulo ng iba," sabi ni Demeter D. Abadon.

"Ang mga ninong at ninang, nandyan yan para magbigay nang guidance sa mga anak nyo hindi yan bangko central! Aanak-anak kayo tapos iaasa nyo sa iba yung responsibilidad? Mga magulang ngayon ang kakapal na nang mga mukha literal." komento ni Dhee VA.

"Scripted or not realidad yan maraming ganyan sa totoong buhay," sabi ni Leo Andrew.