Nadine Lustre, sinabing hindi nila responsibilidad ang pumansin o ngitian ang fans - The Daily Sentry


Nadine Lustre, sinabing hindi nila responsibilidad ang pumansin o ngitian ang fans



Dahil sa kontrobersyal na isyu patungkol sa pang-iisnab ng volleyball team na Choco Mucho sa kanilang fans, may ilang personalidad ang naglabas ng kani-kanilang opinyon.
Nadine Lustre / Photo credit to the owner

Isa na rito ay ang GMA host na si kuya Kim Atienza.

Sa kanyang Facebook post ay inilahad ni kuya Kim ang kanyang pagkadismaya sa inasta ng volleyball players.

“This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public,” sabi ni kuya Kim.
Kim Atienza / Photo credit to the owner
Screencap from Kuya Kim Atienza Facebook account

Maging ang aktres na si Aiko Melendez ay sinabing dapat pahalagahan ang mga fans. Ngunit depende rin ito sa lugar at sitwasyon.

“Ako kasi kapag me bumabati sa akin o magpapapicture kahit gaano na ako kapagod pinagbibigyan ko, Ang rason ko lagi hindi naman naten alam kung first and last encounter mo na dun sa taong yun eh so ung mga simpleng gestures like saying HI! Or pagbigyan ng picture taking ok lang yan. Hindi naman kawalan sa pagkatao nyo yan,” pahayag ng aktres sa kanyang Facebook post.
Aiko Melendez / Photo credit to the owner
Aiko Melendez / Photo credit to the owner

“Pwera nalang kung Asa ER ka ng hospital at hindi naman tama ang right timing pwede ka tumanggi. Lahat me right timing eh,” dagdag nito.

Aniya, kung gusto raw ng privacy ng isang public figure ay huwag na lamang itong lumabas o pumunta ng public places.

“Ang Artista, Politicians, athletes influencers etc Considered as a Public figure give credit also to your fans na iniidolo kayo ung simpleng time mo. If you want your fans to respect your private time, I suggest don’t go to public places otherwise hindi mo talaga maiiwasan na me matuwa na nakakakilala syo ang mag hi and hello or papakuha ng picture sa inyo.”
Screencap from Aiko Melendez Facebook account

Samantala, sa TikTok ay kumalat ang naging pahayag ng aktres na si Nadine Lustre noong nakaraang taon na hindi nila responsibilidad na batiin o ngitian ang kanilang fans.

Ani Nadine, ang responsibilidad lang nila sa publiko ay magbigay ng entertainment at hindi raw parte nito ang i-acknowledge at i-please ang fans.
Nadine Lustre / Photo credit to the owner

Nadine Lustre / Photo credit to the owner

“I was never the type to say hi to everyone or smile. I never had that feeling of responsibility when it comes to saying hi to everyone,” anang aktres tungkol sa isang fan na tinawag siyang suplada.

“It’s not our responsibility to acknowledge everyone and to please everyone. Our responsibility is to give entertainment and that is not part of it,” dagdag ng aktres. 


***