Matet De Leon, dismayado sa inang si Nora dahil sa kompetensya sya negosyo; pagiging ampon, naungkat - The Daily Sentry


Matet De Leon, dismayado sa inang si Nora dahil sa kompetensya sya negosyo; pagiging ampon, naungkat



Larawan mula sa PEP (ctto)




Tila masisira ang relasyon ng mag-inang Matet De Leon at Nora Aunor nang dahil sa negosyo, ito ay matapos maglabas ni Matet ng kanyang saloobin tungkol sa ginawa ng ina.
 
Usap-usapan ngayon ang isang post ng aktres sa kanyang Instagram tungkol sa  pag-kompetensya umano ni Superstar sa kanyang negosyong gourmet tapa at tuyo.

 
Mayroon palang negosyo kasi na bagnet bagoong, sisig bagoong, gourmet tinapa, at gourmet tuyo si Matet.
 
Sa nasabing post ng aktres ay naungkat pa ang kanyang pagiging ampon.
 
“Would you do this to your children? HONOR THY FATHER AND MOTHER. HOW? How can I do that now? Ay, AMPON PALA AKO,” himutok ni Matet patungkol sa ina




 
“Nung isang gabi, sinabihan ako na mag-resell na lang ng products ng nanay ko.
Pinaghirapan namin ang pagtitinda. Bakit all of a sudden, nagulat na lang ako, naglabas ang nanay ko ng direktang kumpitensya ng produkto ko. 
 
Alam niyang may produkto akong ganyan. Marami naman daw akong taping. Ano sa tingin nyo gagawin ko ngayon? Anong magandang gawin? Kung may anak kayo, gagawin nyo ba sa mga anak niyo ito?”
litanyan pa ng aktres*
 
At dahil naka off ang comments section ay walang makapag comment sa post niya. Ngunit dagsa naman ang samu’t-saring reaksyon ng mga netizens sa post ng Manila Bulletin.
 
Mayroong mga nagsabi na masama ang ugali na pinakita ni Matet, mayroon din namang nagsasabi na tama ito at mayroong nagbigay ng payo.
 
Narito ang ilan sa mga komento:



 
“Imbes na happy ka ,at dumidiskarte sa buhay,ung nag adopt sa yo,parang ang laki ng kasalanan ng ginawa na kakumpetensya agad”
 
“Healthy ang competition sa business. Walang personalan d'yan. Matuwa ka may competitor ka to improve your products, services and yourself.”

 
“respect your mother, magkaiba kayo ng crowd or customers, kung ako lang, i can give way, nanay mo siya eh”
 
“Guy at her senior age needs more wisdom. Her action just promoted a conflict with her daughter.”