Marami ang na-touch sa tagpong ito kung saan isang grade 7 student ang nagpakuha ng litrato sa kanyang guro gamit ang kanyang lumang modelo ng selpon.
Mismong ang kanyang teacher na si Mark Anthony Tumbaga pa ang nagbahagi sa publiko ng bidyo ng pangyayaring ito sa kanyang social media account na TikTok.
Mapapanood sa video na in-upload ng guro ang paglapit ng kanyang estudyante habang sila'y nasa silid-aralan.
Masaya itong humiling sa guro ng selfie pic na walang atubili namang pinagbigyan ng kanyang maituturing na pangalawang magulang.
"Grade 7 students gustong magpapicture using di-keypad. Ayus lang nak," ani Mr. Tumabaga.
Sa dami nga naman ng mga mag-aaral ngayon na high-tech na ang mga gamit na cellphone ay natatangi ang pagmamay-ari ng estudyante na ito.
NUNAL KING PH
NUNAL KING PH
Kahit naman mumurahin ay tiyak na magagamit naman ang ganitong klase ng selpon para sa komunikasyon.
Pero hindi pa rin maihahambing sa ibang mga mamahaling cellphones na pwedeng magamit ng mga estudyante sa pagre-research at pag-edit ng mga projects.
Gayunpaman, matapos makapagpakuha ng litrato sa kanyang guro ay kitang-kita naman sa mga ngiti ng pobreng estudyante ang nadama nitong kasiyahan.
NUNAL KING PH
NUNAL KING PH
Ipinakita rin sa in-upload na video ni sir Mark ang resulta ng kanilang selfie na nakapagdagdag kiliti pa sa mga libu-libong netizen na napukaw ang damdamin sa tagpong ito.
"Yun lang kalahati ng muka ko nakuha" pabirong sabi ng guro.
Kahit na malabo o blurred ang kuha nila ang importante daw ay nakita niyang masaya ang estudyante niya.
Hiling naman ng mga netizens na sana'y mabiyayaan ng mas makabagong cellphone ang bata ngayong sasapit na kapaskuhan.
NUNAL KING PH
Mark Anthony Pi-is Tumbaga | Facebook