Photo credit to KingLuckss | YouTube |
Minsan may mga sitwasyon at mga tao talagang kukurot sa puso natin. Na sa kanilang simpleng pagtulong sa kapwa ay marami ang nabibigyan ng inspirasyon at paniniwala na ang kabutihan ay patuloy pa rin na umiiral sa panahon ngayon.
Lubhang kahanga-hanga nga naman kasi na kung saan halos lahat ay sumusubok sa hirap ng buhay dulot ng pandemya, nakakabilib makabasa at makapanood ng mga kwento ng pagtulong sa kapwa at pagiging isang mabuting halimbawa.
Lalo na kung ang tumutulong ay isang taong kapos sa buhay, na sa kabila ng paghihirap ay bukas palad na magbigay pa rin sa ibang nangangailangan ng walang hinihinging kapalit.
Isang halimbawa niyan ay ang kwentong ibinahagi ng vlogger na si KingLuckss kung saan siya ay nangpanggap na pulubi at sinubukan ang puso ng isang magtataho.
Photo credit to KingLuckss | YouTube |
Kwento ni KingLuckss, nakita at nilapitan niya ang isang taho vendor na naglalakad sa initan sa tabi ng kalsada at nanghingi ng taho dito. Walang namang patumangging nagbigay ang taho vendor na hindi humingi ng kabayaran.
Mangiyak-ngiyak pang tinanggap ng vlogger ang libreng taho mula kay kuya vendor na talaga namang makikita ang kabutihan.
Tinanong ni KingLuckss ang pangalan ng vendor na nakilalang si Kuya Naning at nagpasalamat dito at sinabing hanga siya sa kabaitan nito.
Nang paalis na si Kuya Naning ay pinigilan siya ng vlogger at tinanong kung maaari niya munang makausap ito. Doon ay kanyang nalaman na talaga palang nagbibigay ng libreng taho si kuya sa mga taong nanghihingi sa kanya.
Photo credit to KingLuckss | YouTube |
Doon rin ay kanya nang inamin na hindi siya totoong pulubi at sinubukan lamang ang kabutihan ng vendor. Ayon kay Kuya Naning, 40 taon na siyang nagtratrabaho bilang taho vendor at nakapag-uuwi lamang ng 300 pesos kada araw, sakto lamang pangbili ng pagkain at bigas para sa kanyang pitong anak.
At dahil apat na dekada ng nagtitinda, ay bakas na kay Kuya Naning ang pagod at sakit sa katawan dala nang araw-araw na paglalakad at pagbubuhat sa mabigat na taho.
Photo credit to KingLuckss | YouTube |
Kaya naman dahil sa kabaitang ipinamalas ni Kuya Naning ay sinuklian din ito ng kabutihan ni KingLuckss at binigyan siya ng pabuya na 30,000 pesos.
Photo credit to KingLuckss | YouTube |
Hindi naman halos makapaniwala si Kuya Naning sa natanggap na kapalit sa akala niyang isang simpleng pagtulong lamang. Naiyak siya at sinabing napakalaking tulong nito sa kanya at sa wakas ay mabibili na rin ang pangarap na 2nd hand na motor upang magamit sa kanyang pagtataho at hindi na maglalakad sa pagtitinda.
Grabe ang pasasalamat at talaga namang napaiyak si Kuya Naning sa pagtatagpo nilang iyon ng pulubi 'turned Good Samaritan' na si KingLuckss.
Source: KingLuckss | YouTube