Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang dating VJ at model na si Kat Alano matapos payagan ng korte na makapagpiyansa ang aktor na si Vhong Navarro sa kasong kinakaharap nito.
Kat Alano and Vhong Navarro / Photo credit to the owner
Nitong Disyembre 5, 2022 ay pinayagan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman si Navarro na makapagpiyansa sa halagang P1-M para sa pansamantalang kalayaan nito.
“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos,” ayon sa korte.
Dahil sa desisyon ng korte, muling naglabas ng sama ng loob si Alano sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.
Vhong Navarro / Photo credit to owner
Vhong Navarro / Photo credit to owner
Sa kanyang tweet ibinahagi niya ang kanyang lubos na pagkalungkot sa mga nangyayari.
“I feel sick. This is so wrong. It’s all wrong. Bahala na kayo Pilipinas. You deserve what you asked for. Sana hindi mangyari sa inyo to.” ani Alano.
“I can’t stop crying. I feel broken and defeated. Ayaw ko na talaga.” dagdag pa niya.
Screencap from Twitter | Kat Alano
Wala mang binabanggit na pangalan si Alano, alam ng marami na patungkol kay Vhong ang kanyang payahag.
Kat Alano / Photo credit to owner
Matatandaan na nag-viral noon sa social media si Kat at Vhong dahil sa post ng aktres sa diumano’y sikat na personalidad na nagsamantala sa kanya.
Taong 2020 ay ibinahagi ni Kat ang diumano’y pananamantala sa kanya ng isang personalidad na itinago niya sa alyas na #RhymesWithWrong o ang ibig sabihin ay katunog ng salitang ‘wrong’ ang pangalan ng nagsamantala sa kanya.
Screencap from Twitter | Kat Alano
Ipinaliwanag niya rin na hindi na siya nagsampa pa ng kaso laban kay #RhymesWithWrong dahil sa makapangyarihan diumano ang mga kamag-anak nito.
Ilang netizens naman ang nagpakita ng suporta kay Alano sa gitna ng nangyayari.
“We share the disappointment but the public knew this ending. Which is the more that I pray the Holy Spirit to give you the courage to put justice where it should, based on your experience. Sana ito na yung panahon at pinto na kailangan para mapanagot ang dapat.” sabi ni @thisiscarlisle_
“Ipaglaban mo ang sa tingin mo tama. File a case. Sa totoo lang, mahinang kaso yung kay denise. Baka mas matibay ang ebidensya mo,” hamon ni @joiethestarfish.
***
Source: Daily BNC News