Photo credit to Mariz Agento | Facebook |
Sinasabing hindi biro ang magtrabaho bilang isang service crew sa mga fast food chains. Bukod sa medyo mababa ang sahod dito ay kinakailangan talaga na maging masipag at mabilis ang pagkilos dahil sa madalas na dami ng customers na kailangan nilang asikasuhin.
Karamihan pa sa ating mga service crew ay working students na talagang hinahati ang oras sa pag-aaral at paghahanap-buhay upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa paaralan. Kaya naman bawat sentimo na kanilang kinikita sa pagiging crew ay sadyang mahalaga.
Photo credit to Jollibee | Facebook
|
Tulad na lamang ng nangyari sa isang service crew sa isang sikat na fast food chain kung saan kanya diumanong natapon ang pagkain na inorder ng kanilang customer.
Ngunit sa halip na magalit ang customer na si Mariz Agento at pagbayarin ang crew ay inako na lamang niyang muling bayaran ang order at taos pusong pinatawad at inintindi ang service crew dahil baka may pinagdadaanang problema raw ito o sadyang pagod lang.
Batid rin diumano ni Mariz na mababa lamang ang sahod ng mga ito kaya sinigurado niyang hindi pagbabayarin ang kawawang crew at siya na lamang ang umako na magbayad muli.
Sadya namang mabilis na nagtrending ang kanyang ibinahaging post na iyon na may kasama pang larawan nang nakatalikod na crew habang nililinis sa sahig ang natapong order.

Ang kanyang post ay nakakuha ng 7.2K comments at nai-share ng 78K beses at umani ng papuri at positibong komento mula sa mga netizens. Marami kasi ang natuwa sa kanyang gesture at sinabing sa panahon ngayon na medyo harsh na ang mundo, kailangan natin ang mga taong tulad ni Mariz.
Narito ang kanyang Facebook post:
"NATAPON NG CREW YUNG FOOD NAMIN SA JOLLIBEE KANINANG BREAKFAST.
Napaisip agad ako na yung pinasok nya for today is malamang iaabono nya lang since 500+ yung bill namin so di ako nag dalawang isip to pay for it again kasi alam ko mahirap maging service crew sa fast food. Kinausap ko yung nasa cashier and made sure na hindi sya magbabayad sa natapon na food.
Siguro pagod na si kuya or may problemang bitbit. Ingat na lang next time.
SENDING VIRTUAL HUGS SA LAHAT NG SERVICE CREW, DESERVE NYO NG MAS MATAAS NA SAHOD."
Source: Mariz Agento | Facebook