Nakatanggap ng P100,000 cash incentives ang isang 102-anyos na lola mula sa Brgy. Santiago, Lubao, Pampanga City.
Umabot na rin sa mahigit isang daan (100) ang apo ni lola Leonora mula sa kanyang 18 mga anak.
"Ewan ko bakit hindi ako tumatanda. Nasa Diyos ‘yan at sa mga bata, sa mga anak ko,” saad ni lola Leonora.
Lola Leonora Ibay / Photo credit: PEP
Lola Leonora Ibay / Photo credit: PEP
Ayon sa mga anak ni lola, ang magandang kalusugan ng kanilang ina ay dahil sa kanilang pag-aalaga at pagmamahal sa kanya.
“Siyempre noong maliit kami siya ang nag-alaga, tapos papabayaan mo ‘pag tumanda? Hindi maganda yun,” saad ng anak ni lola Leonora na si Aurora Ibay.
Masaya rin siya na marami siyang apo.
Sa katunayan, lagi niyang inaalala ang mga ito, at isa sa mga dahilan ng kanyang pananatiling malakas.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Marami akong iniisip para sa kanila [mga apo] para sana mag-unlad ang kanilang buhay.”
Ayon sa ulat ng Pampanga Information Office noong October 6, 2022, isa si lola Leonora sa pinakamatandang Kapampangan na nabubuhay sa kasalukuyan.
Batay ito sa datos ng Provincial Social Welfare and Development Office.
Ipinagkaloob kay lola Leonora ang cash incentives na nagkakahalaga ng P100,000. Mula ito sa national government ay ibinibigay sa mga centenarian bilang tulong pinansiyal.
Bahagi ito ng programa bilang pagkilala at pasasalamat sa senior citizens na 95 years old pataas sa kanilang naging kontribusyon sa kani-kanilang komunidad.
Si lola Leonora ay panganay sa magkakapatid at maagang na byuda kaya naman siya na ang nagtaguyod sa kaniyang mga anak.
Bukod naman sa insentibong natanggap niya mula sa provincial government, qualified din si Lola Leonora sa PHP100,000 insentibo mula sa Department of Social Welfare and Development alinsunod sa Republic Act No. 10868 o ang “Centenarians Act of 2016.”
***
Source: PEP