Talagang naantig ang puso ng mga netizens sa ibinahaging video ng isang teacher mula sa Palawan patungkol sa kanyang estudyante.
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Sa kanyang TikTok account ay in-upload ni teacher Malone Belmonte ng Panitian Elementary School sa Quezon, Palawan ang video kung saan makikitang tinulungan niya ang kanyang estudyante na buksan ang baunan ng tubig nito isang plasitc bottle ng toyo.
Caption ng guro, “Nagulat and at the same time nalungkot ako.
“My learner asked me to open her water bottle.
“At first sight akala ko may baon siya na toyo, yun pala yun na ang water bottle niya.”
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Reminder ni Teacher, “Don’t be so demanding in life when in fact there are these kids who are willing to go through the hardships in life for their dreams.
“We are lucky enough na hindi natin naranasan ang ganitong shortage sa buhay.”
Umabot na sa 4.2 million views ang video ni teacher Malone sa loob lamang ng apat na araw.
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Kinabukasan, nagbigay ng update si Teacher Malone. Ipinaliwanag niya ang dahilan ng post niya.
Sinabi rin niyang maraming netizens ang nakipag-ugnayan para magpaabot ng tulong.
Aniya, “I didn’t expect po na maraming willing na tumulong sa aking learner.
“At first ang purpose ko lang po ay i-encourage ang aking fellow teachers na ma-motivate sila sa pagtuturo kahit hirap na hirap na sila.
“Kasi may mga bata na katulad ng learner ko na iyon na umaasa sa amin na matupad yung pangarap nila.”
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Paglilinaw ng guro, hindi niya ini-invalidate ang hirap na nararanasan ng ibang tao.
“I just want to share at help kayo na ma-relize na i-appreciate natin yung mga bagay na meron tayo,” sabi ni Teacher Malone.
Pinasalamatan rin ng guro ang mga netizens na gustong magpaabot ng tulong sa kanyang estudyante.
“Meron na pong nag-commit na magbigay po ng tumbler sa learner ko na iyon and nagbigay ng ibang needs,” sabi ng guro.
Pakiusap niya sa iba pang nais tumulong ay i-extend ang tulong sa iba pa niyang estudyante na ganoon din ang sitwasyon.
At saka ipinakita ng guro ang isa pang video kung saan ang water container ng iba niyang estudyante ay used bottle ng sukang puti at soft drinks.
Photo credit: Malone Belmonte via TikTok
Aniya pa, “I’m not requiring anyone na magbigay sa mga bata. Pero it would be a great help po sa kanila.”
Nagbahagi rin si teacher Malone ng karanasan nila sa pagtuturo ng kanilang mga estudyante.
“As a teacher po, minsan hindi namin matitiis iyon. Minsan po yung mga bata—hindi lang po siya—wala pong baon."
Tanggap daw nila na may mga estudyante silang mahirap ang sitwasyon, pero hindi nila pinapabayaan ang mga ito na wala silang makain.
Sabi pa ng guro, “I’m so thankful na may iba po na nag-donate na isinama po yung ibang kasama niya.”
***