Judy Ann Santos inaming nasaktan noon nang malamang ire-remake ang Mara Clara - The Daily Sentry


Judy Ann Santos inaming nasaktan noon nang malamang ire-remake ang Mara Clara



Syempre nung unaparang ah ok, ire-remake ang Mara Clara. Hindi naman ako magpapaka-lastik anoandun yung ouch,” ito ang nasabi ng award-winning actress na si Judy Ann Santos nang tanungin sila ni Gladys Reyes kung ano ang kanilang reaksyon patungkol sa gagawing remake ng Mara Clara.
Judy Ann Santos, Kathryn Bernardo at Julia Montes / Photo credit to the owner

Sina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang gumanap na Mara at Clara sa remake ng nasabing teleserye.

Sa mga hindi nakakaalam, ang teleseryeng Mara Clara ay ipinalabas noong 1922 kung saan sumikat sina Judy Ann Santos, Gladys Reyes at Wowie De Guzman.

Umabot ng limang taon ang nasabing teleserye dahil sa dami ng tagasubaybay nito.
Mara Clara cast / Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Taong 2011 naman nang ipalabas ang remake ng Mara Clara.

Naging masaya naman raw si Judy Ann sa kinalabasan ng Mara Clara remake, ngunit aminado siyang medyo nasaktan siya ng malaman ang tungkol dito.

Syempre nung simula, meron kaming push and pull ni Gladys kasi buhay namin yung Mara Clara, ehAlam namin kung paano siya nagsimulaKami ang gumapang kay Mara at kay Clara. Tinrabaho namin si Mara at si Clara so para i-turn over siya, regardless kahit sino hakahit sino yung gumanap nun, it would still be the same feeling,” sabi ng aktres.
Mara Clara / Photo credit to the owner
Mara Clara / Photo credit to the owner

Subalit naging panatag naman ang loob ni Juday dahil nakatrabaho na niya noon si Kathryn sa Krystala kaya alam niyang nasa mabuting mga kamay ang kwento ng Mara Clara.

““Andun yung realization na I guess it’s time already kasi bagong generation na. And there’s the acceptance na ang ganda din naman kasi ng Mara Clara kaya ipinaubaya na namin na i-remake kasi masyadong malakas yung effect nung Mara Clara sa mga tao.”
Mara Clara / Photo credit to the owner
Mara Clara / Photo credit to the owner

Para kay Gladys, walang remake ang makakapantay sa orihinal na Mara Clara na talaga namang minahal ng mga Pilipino.

“We will always be the original Mara and the original Clara ‘di ba. Kumbaga whatever happens, syempre iba yung limang taon. Ibang version naman sina Kathryn and Julia and I must say nabigyan nila ng justice yung roles,” sabi ni Gladys.

Tulad nina Judy Ann at Gladys, naging matagumpay rin ang karera nina Kathryn at Julia matapos nilang gampanan ang role na Mara at Clara.


***