16 taong gulang pa lang noon ng mapunta sa Pilipinas ang tinaguriang multimedia prince na si James Reid. Ipinanganak at lumaki ito sa Sydney, Australia.
Ang Filipino-Australian actor, model, singer na si Reid ay unang nakilala sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother: Teen Clash noong taong 2010 kung saan siya'y nagwagi at itinanghal na big winner ng palabas.
Sa taglay nitong kagawapuhan ay mabilis na sumikat si James, bumida ito sa mga pelikula at mga teleserye na tinangkilik ng maraming Pilipino at talaga namang tumabo sa takilya.
Naging matagumpay man ang karera sa industriya, tila hindi naging bentahe ang pagiging sobrang gwapo ng isang James Reid noong siya'y nag-aaral pa.
Sa isang panayam ay hindi na napigilang ibahagi ng aktor ang kanyang naging karanasan nang siya'y mag-aral dito sa Pilipinas.
James Reid | Facebook
James Reid | Facebook
Kwento ni James, isang buwan lang ang itinagal niya rito dahil hindi na niya makayanan ang araw-araw na pangyayari eskwelahan.
Nariyan ang pagpasok pa lang nito ng gate ay nagsisigawan na ang mga estudyante. Madalas rin na kinukunan siya ng litrato ng mga ito at ang ikinagugulat niya ay ng mamalaman niyang nagkakaroon pa pala ng bentahan ng kanyang larawan sa mga kapwa niya mag-aaral.
James Reid | Facebook
James Reid | Facebook
Dito na niya napagdesisyonan na lisanin ang naturang eskwelahan sa Makati at mag home school na lang.
Hindi naman iniisip ni James na dahil sa pagiging magandang lalake kaya siya pinagkakaguluhan sa eskwelahan. Marahil daw ay dahil naiiba ang hitsura niya dahil sa kanyang lahi pati na rin ang hindi pa lubos na maayos na pananagalog kaya siya kinagigiliwan.
“It’s not even bullying, I just felt so awkward. Some kids would take photos of me and sell them to the other kids. Every time I come to school, people would like, scream,”
'di nagtagal ay nadiskubre na rin ito at kinumbinsi kasama ang kanyang ama na pumasok sa reality show na PBB.
Sa ngayon, si James Reid ay busy sa mga proyekto ng kanyang sariling record label na Careless at bahagi ng LA-based talent agency na Transparent Arts.
James Reid - REIDers | Facebook
Source: Fun with Dumb