Guro, may panawagan sa mga magulang matapos paglaruan ang larawang kuha sa loob ng silid-aralan. - The Daily Sentry


Guro, may panawagan sa mga magulang matapos paglaruan ang larawang kuha sa loob ng silid-aralan.



Isang guro mula sa Dasmariñas North National High School ang nagpahayag ng kanyang damdamin sa social media matapos makita ang pinagkatuwaang litrato ng isang kapwa niya guro.

Kitang-kita kasi sa larawan na pinaglaruan ang hitsura ng titser at ang nakakagulat pa dito ay kuha ang larawang ito sa loob ng silid-aralan.




"Mga magulang sana nakikita niyo to. Kaninang umaga, isa lng ang nagpasa ng assignment na ibinigay ko, isang linggo ang nakalipas. Sa isang section pito lng ang nagpasa. Bakit ganun? Yung sinabi nung teacher sa post "wala kang binabastos at ipinahihiya pero ito ang sukli sakin" ang sakit sakit makabasa nito bilang isang guro! Sana disiplinahin niyo ang mga anak nyo. Pakiusap"

Sherwin San Miguel | Facebook

Sherwin San Miguel | Facebook


Ito ang naging madamdaming pahayag ng guro na si Sherwin San Miguel matapos makita ang pamamahiya sa kanyang kabaro.

Bilang mga titser ay sila ang tumatayong pangalawang magulang ng mga bata pero hindi ibig sabihin nito ay kakarguhin na rin nila ang pagdidisiplina sa mga bata. Dapat ito ay nagsisimula sa bahay at hindi sa paaralan.

Nakisimpatya naman ang maraming netizens sa Facebook post ni teacher Sherwin na kasalukuyang umaani ng mahigit 126k na reaction at 38k shares.

Marami rin ang nasasabi na sana'y may batas din na magpoprotekta sa mga guro sa ganitong sitwasyon.

Pakiwari nila ay tila lumalaking walang disiplina ang mga bata ngayon kumpara noon at di hamak na mas tali ang kamay ng mga guro ngayon pagdating sa pagdidisiplina dahil kadalasan ay mabilis silang nahuhusgahan sa social media.

Hindi man tukoy ang pagkakakilanlan ng kumuha ng larawan ay makikita sa post na maaaring isang Grade 11 student ang may gawa nito sa guro.