Estudyanteng nahirapan sa exam, binawian ang guro: “Hirap ng exam, kaya pahihirapan ko din kayu” - The Daily Sentry


Estudyanteng nahirapan sa exam, binawian ang guro: “Hirap ng exam, kaya pahihirapan ko din kayu”



Ang exam o test ay isinasagawa upang malaman kung mayroon bang natututunan ang bawat estudyante sa mga Itinuro ng kanilang mga guro.
Photo credit: Joci Mia

Isa ito sa pinakamahalagang paraan para mabigyan ng oras at panahon ang mga estudyante na ipakita ang kanilang natutunan.

Subalit minsan ay hindi maiiwasang mahirap talaga ang mga exams o test na ibinibigay ng mga guro dahil to ay upang mas lalong mag-aral ang mga estudyante.

Samantala, isang estudyante naman ang gumawa ng paraan upang makabawi sa kanyang guro na nagbigay umano ng mahirap na exam.

Sa Facebook post ng estudyanteng si Jocil Mia, ibinahagi nito ang larawan ng kanyang answer sheet kung saan makikitang hindi magkakasunod o hiwa-hiwalay ang kanyang mga sagot.

Ayon kay Mia, ginawa niya ito upang makaganti umano sa mahirap na exam na ginawa ng kanyang guro. 

“Maam ang hirap ng exam, kaya pahihirapan ko din kayu mag check,” pabirong caption ng estudyante.
Photo credit: Jocil Mia

Mayroong mga netizens na natuwa sa goodvibes na ginawa ng estudyante ngunit mayroon din namang nainis at sinabing kabastusan ang kanyang ginawa.

"Funny and witty yeah, pero respect pa din sa teachers huwag kakalimutan. Kung papadaliin yung exams, then, hindi nyo na eefortang pag-aralan, just like in life and in present times," sabi ni Pinker Belle.

"Ang mga bata ngayon ginawa ng barkada ang turing sa mga teachers. Dapat dito zero ang makuha sa exam. Hindi nakakatuwa," sabi ni Deanne Dumo Cabalfin.

"Ako literal nagawa ko to pinasa ko sa teacher. Kaso pinatawag ako. Sakin pinacheck habang sinasabi sakin sagot. Hahaha!" sabi naman ni Pong Lezada.

***