Dahil ayaw sagutin ni ninang ang "delivery fee", pinaulanan ito ng mura at nilait-lait ng galit na kumpare. - The Daily Sentry


Dahil ayaw sagutin ni ninang ang "delivery fee", pinaulanan ito ng mura at nilait-lait ng galit na kumpare.



Naghihimutok sa galit ang magiging kumpare sana ni Andeng o Andrea Salvador Guevarra sa kanyang Facebook account, dahil sa regalong tarpaulin sana na hindi naipadala ni Ninang Andeng sa kanyang aanakin sa binyag.

Ayaw kasi bayaran ng kumukuhang ninang kay Andrea na si Dave Sarmiento ang bayad sa delivery para maipadala ang hinihiling nitong regalo.




Pahayag ni Andrea, wala naman daw problema kung kuhanin siyang ninang ng kamaganak/pamilya, kaibigan o kahit ng kakilala lang niya. Bukal naman sa kanyang kalooban ang pagbibigay ng regalo o pakimkim pero huwag naman sana siyang abusuhin.

Hindi na rin nito napigilang maglabas ng saloobin matapos ang mga ibinato sa kanyang mura at masasakit na salita ng kaibigang si Dave.  

Andrea Salvador Guevarra | Facebook

Andrea Salvador Guevarra | Facebook


Nung una ay tinatawanan lang nito at hindi pinapansin ang mga biro umano ng kanyang kaibigan. Pero pumalag si Andeng dahil hindi na nito nagustuhan ang sumunod na salita sa kanya ng lalake.

"Sana mag hirap ka ng todo" ani Dave.

Ipinagmalaki rin nito na hindi siya maghihirap dahil siya ay nakapagtapos. Maswerte lang daw si Andrea dahil mayaman ang pamilya nito.

Andrea Salvador Guevarra | Facebook

Andrea Salvador Guevarra | Facebook


"Abusado ka" sagot naman nito sa lalake.

Matagal na raw ganito ang ugali nito at mayabang pa pero hindi lang nagsasalita si Andrea.

Natapos man ang kanilang pribadong pag-uusap sa messenger ay nagpatuloy naman ang parinigan nila sa social media.

Andrea Salvador Guevarra | Facebook

Andrea Salvador Guevarra | Facebook

Andrea Salvador Guevarra | Facebook


Laking pagsisisi nito dahil masyado raw siyang naging mabait sa kanyang mga kaibigan, hindi rin niya lubos maisip na mangyayari sa kanya ang ganitong pangaabuso.

Kaya ang payo nito sa kanyang Facebook post, "sa mga magulang na kumukuha ng ninong at ninang sana bukal sa loob natin na sana kung ano lng kayang ibigay nila tanggapin natin kasi di nila reponsibilidad ang mga bagay na kailngan nyo."

Andrea Salvador Guevarra | Facebook

Andrea Salvador Guevarra | Facebook