Cum Laude, inalay ang tagumpay sa amang PWD na nangangalakal - The Daily Sentry


Cum Laude, inalay ang tagumpay sa amang PWD na nangangalakal



Marami ang bumilib at naantig ang puso sa post ni Ross Forbes Mercurio na nakapagtapos bilang cùm laude sa kursong Bachelor of Science in Agri Business Management and Entrepreneur sa Polytechnic University of the Philippines sa Lopez, Quezon kamakailan.
Photo credit: Ross Forbes Mercurio

Sa kanyang Facebook post, inalay ni Ross ang kanyang tagumpay sa amang si Rosauro Mercurio o mas kilala bilang “Totoy.”

Ang ama ni Ross ay isang PWD, ngunit kahit ganun ay naitaguyod pa rin niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pangangalakal.

"Katas ng Kalakal... Una sa lahat maraming salamat sa aking mga magulang sa walang sawang paggabay at pagsuporta sakin para ako ay makatapos sa pag-aaral. Lalong lalo na sa aking huwarang ama na laging andyan para sa aming pamilya na ginagawa ang lahat para maitaguyod kaming magkakapatid para makatapos sa pag-aaral na sa kabila ng kanyang pagiging senior citizen at kapansanan ay hindi ito naging hadlang para sumuko, hindi nagpapahinga para maibigay ang pangangailangan ng aming pamilya kahit araw ng linggo andyan sa lansangan naghahanap buhay, minsan inaabot ng init at ulan sa lansangan pero hindi kailanman naisip na sumuko," ang bahagi ng post ni Ross. 
Photo credit: Ross Forbes Mercurio

Ngayon nakapagtapos na si Ross, handa na siyang suklian ang mga paghihirap at sakripisyo ng kanyang ama.

"Pa, this is it! Sobrang proud ako kasi naitaguyod mo kaming magkakapatid sa kabila ng iyong edad at kapansanan hindi ito naging hadlang para matustusan ang pag-aaral naming magkakapatid. Sa loob ng 17 years ko na pag-aaral, nasaksihan ko lahat ng pagod at hirap na pinagdaanan natin kaya sobrang proud ako sa'yo pa," ani Ross para sa ama na tanging edukasyon ang maipamamana sa kanila. 
Photo credit: Ross Forbes Mercurio
Photo credit: Ross Forbes Mercurio

Sabi mo nga ito lang yung maipapamana mo samin magkakapatid ang edukasyon ang makapagtapos sa pag aaral kaya sobrang proud ako kase  nakaya natin lahat. Pa , hayaan mo na ako naman ang bumawi sayo alam ko minsan may nararamdaman kana din . Kunting tiis nalang. Mahal na mahal ka po namin.
 
Ang lahat ng ito ay hindi tagumpay ko kundi tagumpay nyo ni Mama. Mahal na mahal ko po kayo di ko man ito masabo sa inyo ng personal pero sobrang proud ako  sa inyo.

“”Proud ako katas ng kalakal ako””


***