Hinangaan ng mga netizens ang binatilyo nagbalik ng isang bag na mayroong laman na P70,000, ID’s, susi at ATM cards.
Photo credit: Subic Mps Zambales Ppo | Facebook page
Sa Facebook page ng ‘Subic Mps Zambales Ppo’, ibinahagi ang larawan ng binatang nakapulot sa nasabing bag.
Ayon sa post, patungo sana sa ospital ang binata nang makita niya ang isang bag. Hindi umano siya nagdalawang isip na ibalik ito sa may-ari kaya agad siyang nagtungo sa mga awtoridad upang humingi ng tulong.
Photo credit: Subic Mps Zambales Ppo | Facebook page
Photo credit: Subic Mps Zambales Ppo | Facebook page
Photo credit: Subic Mps Zambales Ppo | Facebook page
Hinangaan naman ng mga kapulisan ang ginawa ng binatilyo.
Narito ang buong post:
"KINDNESS IS FREE TO GIVE BUT PRICELESS TO RECEIVE
Tunay nga na ang Kabataan ay Pag-Asa ng Bayan
Habang papunta ng Hospital si Arjay E. Piletina, 19 taong gulang at taga Macedo St.Brgy Wawandue,Subic Zambales upang iadmit ang kanyang pamangkin sa Hospital ay may nakita syang itim na bag at ng kanyang tingnan ito ay naglalaman ng assorted IDs, Keys, Atm Cards at P70,000 pesos Cash.
Sa Kabila ng sitwasyon na kanyang kinakaharap hindi sya nag atubili o nagdalawang isip na isurender ito sa Kapulisan ng Subic MPS sa pamumuno ni PMAJ MARK LOUIE M SIGUA.
Agad Agad naman na inasikaso at pinagbigay alam sa may ari ng bag ang nangyari.Lubos naman ang Kagalakan at Pasasalamat nito sa ginawang Kabutihan at Katapatan ni Arjay.
Patunay lamang ito sa Adhikain ng Revitalized KASIMBAYANAN at ng MKK=K, na nagpapakita ng MALASAKIT sa ating Kapwa anuman ang sitwasyon na ating nararanasan. Tunay ngang may kabutihan sa bawat Tao. Saludo ang Kapulisan ng Subic Municipal Police Station sa Katapatan at Pagiging magandang Ehemplo ni Arjay E Piletina. Mabuhay ka sir Arjay!!! At nawa’y pagpalain ka ng Diyos sa kabutihan ng iyong Puso!” saad sa caption ng Subic Mps Zambales Ppo.
***