Nag-uwi ng isang trophy at apat na medalya ang 9 na taong gulang na si Bince Rafael Operiano sa 6th Eastern Asia Youth Chess Championship na ginanap noong November 4-12, 2022 sa Bangkok, Thailand.
Pero hindi madali ang naging karanasan ng batang tubong Oas, Albay bago nito makamit ang tagumpay para sa bayan.
Dahil kapos sa badyet upang makasali sa nasabing kumpetisyon ang ating bida, kinailangan pang maghanap ng kanyang mga magulang ng sponsor upang makabili ng tiket sa eroplano at iba pang mga gastusin para sa ilang araw na pamamalagi nito sa Thailand.
Sa paghihintay sa kanilang pamasahe, 3 araw na namalagi at natulog sa airport si Bince at ang kanyang ama.
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Ito ang ibinahagi ni Albay 3rd District Representative Fernando "Didi" Cabredo sa kanyang Facebook post.
"Due to limited funds and while waiting for the plane ticket sponsored by the Philippine Sports Commission, Bince and his father spent 3 nights at the airport with those benches as their bed. The little boy had to travel first to Thailand without his father, Mr. Ben Operiano." Ani Congressman.
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Talo sa kanyang mga naunang laban ang ating pambato dahil sa pangungulila sa ama. Sa murang edad ay hindi nito nakayanan ang malayo sa magulang habang nakikipaglaban sa ibang bansa. Ayon pa sa magulang ng ilang mga kalahok ay nakita nila si Bince na umiiyak sa isang tabi.
Hindi nagtagal ay nakarating din ang tatay nitong si Mang Ben at nanumbalik ang lakas ng loob sa laban ng 9-anyos na kampeon.
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
"He ranked number 1 for the U-10 or under 10 years old category outdoing 20 other players from different countries." dagdag pa ni Cong Cabredo.
Nilampaso nito ang kanyang mga kalaban mula sa iba't ibang bansa.
Sa murang edad ay kinakitaan na ito ng husay sa Chess at 6 na taon pa lang daw ay sumasali na ito sa mga malawakang kompetisyon.
Pagdating nito ng 10 years old ay inaasahang ipagkakaloob kay Bince Rafael Operiano ang ranggong NM o National Master.
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos
Bince Rafael Operiano | Facebook Public Photos