Tour guide, nakakita ng suka ng balyena na nagkakahalaga ng mahigit $1M habang naglilinis ng beach. - The Daily Sentry


Tour guide, nakakita ng suka ng balyena na nagkakahalaga ng mahigit $1M habang naglilinis ng beach.



Instant yaman ang isang tour guide na swerteng makatagpo ng 27 kilong suka ng balyena habang siya ay naglilinis sa kanyang pinagtatrabahuhang beach sa Songkhla, Thailand.

Malaking pagbabago ito sa buhay ng 43 taon gulang na si Isdaret Baodaeng dahil nadiskubre niya na milyon milyon pala ang halaga ng kanyang natagpuan na sa una'y inakala lang nitong basura.




Ang nasabing suka kasi ng balyena o tinatawag na "Ambergris" ay isang mahalagang sangkap sa paggawa ng mga mamahaling pabango.

Ito'y solido at kulay abo na nabuo sa loob ng digestive system ng balyena na kapag sinunog o tinunaw ay mayroong matapang na amoy.

Si Isdaret ay naging isang tour guide sa mahabang panahon at nakakapaguwi lang ng sahod na $360 dollars sa isang buwan o mahigit kumulang 20 libong piso.

Yahoo Philippines | Facebook

Yahoo Philippines | Facebook


Ang 27 kilong ambergris na nakalakal nito ay tinatayang nagkakahalaga ng mahigit  1 milyong dolyar. Presyong hindi matutumbasan kahit habangbuhay pa siyang magtrabaho bilang tour guide.

Dahil sa pangyayaring ito ay nais na niyang magretiro at tumulungan ang kanyang pamilya na magkaroon ng masaganang pamumuhay.

Ayon sa Food ang Agriculture Organitazion of the United Nations, ang pagbebenta ng ambergris ay ipinagbabawal at ilegal sa Pilipinas at sa iba pang kaugnay na bansa.

Yahoo Philippines | Facebook

Yahoo Philippines | Facebook


Iminumungkahi na kung mayroong matatagpuang ganito na maituturing na yamang dagat ay kaagad na ipagbigay-alam at makipagugnayan sa mga awtoridad.