Sharon Cuneta, nilait ng mga Koreans matapos umabot sa isang Korean website ang kanyang viral vlog - The Daily Sentry


Sharon Cuneta, nilait ng mga Koreans matapos umabot sa isang Korean website ang kanyang viral vlog



Kamakailan ay nag-viral sa social media ang video ni Megastar Sharon Cuneta kung saan hindi siya pinapasok sa isang Hermés store sa Shinesagae, Myeongdong, South Korea.
Photo credit to the owner

Dahil dito ay sa kilalang brand na Louis Vuitton nauwi si Sharon at bumili ng maraming item.

Sa kanyang latest vlog ay ibinahagi ng Megastar ang kanyang naging karanasan matapos siyang hindi papasukin ng doorman sa naturang mamahaling store.

Gusto kong bumili ng sinturon sa Hermes, ayaw akong papasukin,” natatawang reklamo ni Sharon.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Samantala, mabilis na nakarating sa isang South Korean news portal ang insidente ng umano’y pagtaboy kay Sharon.

Sa Korean website na “Insights”, iniulat ang insidente ng umano’y diskriminasyon sa kilalang aktres sa South Korea.

Isinalaysay dito ang ikatlong serye ng YouTube vlog ni Sharon sa nakaraang Seoul trip ng kaniyang pamilya noong nakaraang Agosto.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Ang Korean website na “Insights” ay mayroong  mahigit 450,000 na followers kaya naman hindi malabong pag-usapan at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga South Koreans ang nasabing insidente.

Sa isang Facebook post ni Lester Javier, isang Pinoy vlogger na naka-base sa South Korea, ang kwento ni Sharon ay nakarating na umano sa Korean Forum, isang Korean social network.

Ilang larawan ang mababasa sa kaniyang post kung saan makikita ang matinding pang-iinsulto ng Korean netizens sa kuwento ng aktres.

Dito, sari-saring pangalan pa ang itinawag kay Sharon kabilang ang “st*pid monkey head,” “pig,” at iba pa.




Nauna nang dumipensa ang Megastar kasunod ng hindi magagandang paratang ng ilang netizens sa kanya.

Sa post ng aktres, ipinaliwanag niyang nauunawaan niyang may policy ang store pagdating sa customers.

“Don’t feel bad about Hermes not letting me in! Lots, if not all name-brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time – sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store. Lots also ask you to make an appointment. C0v*d measures nila yan so okay lang.”

“Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!” ani Mega.


***
Source: Balita