Maricar Reyes-Poon | Photo credit to ABS-CBN |
Matapos ang labing dalawang taon, nagkaroon na rin sa wakas ng lakas ng loob si Kapamilya actress, Maricar Reyes-Poon, na magsalita tungkol sa kanyang kinasangkutan kontrobersiya noong 2009.
Matatandaang noong taong iyon, binulabog ang buong 'showbiz industry' ng maituturing diumanong pinakamalaking eskandalo sa industriya nang maglabasan ang 'inappropriate videos' na kinasangkutan ni Maricar at iba pang babaeng artista at isang doktor na sumira sa kanilang reputasyon.
Photo credit to ABS-CBN |
At di tulad ng ibang mga nasangkot na lumabas at nagsalita sa publiko, mas pinili ng aktres na si Maricar na magsawalang-kibo at hindi maglabas ng ano mang opinyon ukol dito dahil ayon sa kanya, mas makabubuting manahimik na lamang upang hindi na makadagdag pa sa kasiraan ng bawat isa.
Ngunit ngayon matapos ang isang dekada, matapang nang hinarap ng aktres ang tinuturing niyang 'Darkest Chapter' ng kanyang buhay.
Ngunit ngayon matapos ang isang dekada, matapang nang hinarap ng aktres ang tinuturing niyang 'Darkest Chapter' ng kanyang buhay.
Photo credit to ABS-CBN |
Sa pamamagitan ng kanyang official website at social media accounts, pagmamalaking idineklara ni Maricar ang kanyang 'self-published book' na diumano ay naglalahad nang pinagdaanang bangungot nang kanyang nakaraan. Dito raw nakasaad ang kanyang 'side of the story' at kung paano siya nakabangon muli at binuo ang sarili.
Hinikayat niya ang mga netizens na nawa ay suportahan siya at basahin ang kanyang libro dahil makatutulong raw ito at makapagbibigay inspirasyon kung paano harapin ang pinakamadilim na sitwasyon sa buhay.

Photo credit to Maricar Reyes Poon | Instagram
|
Nilinaw rin ng aktres na ang libro ay hindi 'tell-all maritess chismiss' at walang anumang detalye na magiging dahilan ng pagkapahiya ng sino man.
Narito ang kanyang Instagram post:
"MY SOLO BOOK IS FINALLY OUT
2009 - the year when a crisis changed my life. 13 years have passed and I've chosen not to talk about it...until now.
Today, I'm finally telling my side of the story, how I bounced back from the darkest chapter of my life.
Be one of the first to know about my journey towards overcoming online shame.
I hope my story will help or inspire you to find a way out of your dark situation, whatever that may be. Remember, you are not alone and there is always a way out. Laging may SOLUSYON.
Order your copy now at maricarreyes.com
SIGNED & PERSONALLY DEDICATED COPIES for the first 250 orders!
#MaricarSoloBook
#MaricarStory

***
Inamin din ng aktres na marami pa rin siyang natatanggap na hate messages tungkol sa nangyari sa kanya noon, ngunit aniya, matutong magpasensya at magtiwala lamang sa proseso ng buhay.
"There are still people who are disrespectful in their comments. It took me 12 years to get to a point where I’m stable enough to talk about it and have a heart to help people.
Pero yung mga malalalim na bagay, especially in our own hearts if there are things that need to be fixed, yun ang mabigat at matagal. So don’t be too heard on yourself and be patient with the process,” pagbabahagi pa ni Maricar Reyes.
Source: Maricar Reyes-Poon | Instagram, Bandera